Atong Ang inisa-isa ang naging ‘relasyon’ sa Barretto women
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Finally ay nagsalita na ang businessman na si Atong Ang sa pagkakadawit niya sa controversy ng Barretto family, na diumano, ayon sa pamangkin ng Barretto sisters na si Nicole Barretto, inagaw daw ng tita niya sa kanya ang nasabing negosyante, na diumano ay nakarelasyon din daw nito si Gretchen at si Claudine Barretto.

Sa statement na ipinadala ni Atong kay Henry Omaga-Diaz ng ABS-CBN, ipinaliwanag ni Atong ang naging relasyon niya sa Barretto women.

Narito ang full statement ni Atong na inilabas ng ABS-CBN.

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami ng mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tony boy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro --’yun lang ang naging relasyon namin.”

“Si Nicole, pinag-aral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”

Neocolours nabuo uli para mag-concert

Pagkatapos maging inactive for many years, muling magsasama-sama sa stage ang OPM band na Neocolours sa isang reunion concert titled Tuloy Pa Rin Ang Banda na gaganapin sa Nov. 16 sa Music Museum.

Matatandaang dekada 80 nang mabuo ang Neocolours composed of Jimmy Antiporda (keyboards), Ito Rapadas (vocalist), Marvin Querido (2nd keyboards), Josel Jimenez (guitar), Paku Herrera (bass) and Nino Regalado (drums).

Ilang taon din silang namayagpag with numerous hit songs tulad ng Kasalanan Ko Ba, Say You Never Go, Tuloy Pa Rin, Maybe and Hold On among others.

Sa presscon held recently para sa reunion concert na dinaluhan ng tatlong founding members na sina Jimmy, Ito and Marvin, na-address nila dahilan kung bakit nagkahiwa-hiwalay ang grupo. Anila, wala naman daw naging samaan ng loob or whatever.

Sa paliwanag ni Ito, buo pa raw ang grupo ay may mga iba nang work ang ibang miyembro tulad nina Marvin and Jimmy.

“Nagtatrabaho na sila as music arrangers. I am talking about 1989. There were young arrangers back then. So, syempre, sa industry natin, we always want young blood, di ba?

“So, andami nilang trabaho, even when were active as Neocolours members. Kaya siguro, ang tingin ko, slowly, ‘yung attention nila, doon pumupunta.

“Parang tingin ko rin, ‘yun ‘yung evolution din ng bawat isa sa amin,” sabi ni Ito.

“Ako, siyempre ako ‘yung singer, di ba? So, parang ako ‘yung pinakahuling natira du’n  sa group. Mga bandang 1994, I started to work for Universal Records as a house producer.

“Pero nagkikita naman kami, magkakaibigan kami. No issues kung baga,” sey pa ni Ito.

Ayon naman kay Marvin, “most of us are still very active in the music industry as TV and concert music directors, record producers and executives, session artists, arrangers, etc. Music continues to connect us even outside of the band.”

Sa pagsasama-sama nilang muli ngayon, hindi raw ibig sabihin nito ay magiging aktibo nang muli ang grupo dahil may kanya-kanya na rin nga naman silang career ngayon. Pero kung may offer daw naman for them to perform together again tulad nga nitong reunion concert ay willing naman sila.

That’s why, very special ang upcoming Tuloy Pa Rin Ang Banda concert nila at special treat din ito sa mga fans ng banda since we never know kung kailan ito mauulit.

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with