Bernadette ibinalita ang sariling asawa
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Fan kami ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo, Salve A., dahil isa siya sa maituturing na most effective news reporter, newscaster at TV host.

We see her daily with Noli de Castro at Ted Failon, anchoring the ABS-CBN’s flagship newscast, TV Patrol. She reports the news assigned to her with authority.

But more than her, being a news personality, admirable lalo ang involvement ni Bernadette sa halos lahat ng advocacy ng Kapamilya Network, and makikita mo talagang enjoy siya na makatulong sa kanyang kapwa.

Lately, nasubukan ang pagiging understanding ni Bernadette when she reported an incident involving her husband, Emilio Aguinaldo IV.

The kuwento goes na may biniling inumin (milk tea) si Mr. Aguinaldo, sa isang class na establishment.

Heto na ang siste, habang iniinom niya ang nabanggit na inumin, nasamid siya at feel niya may maliit at matigas na bagay na nahagip sa kanyang bibig.

Iyon pala, remnant ito ng kung anumang maliit na hayop (ipis), na mabuti na lang at hindi nginuya ng asawa ni Bernadette.

Bernadette could have mentioned this incident, kahit halimbawa, online. She chose, though, we are told, to call the attention of the owner ng store where her husband bought the drink. And advise them to be more careful sa kanilang mga ipinagbibili. Nang hindi na nga maulit sa ibang customer.

Epy hindi sanay na mabait

Hindi raw at home si Epy Quizon sa pag-apply ng roles na mabait at playboy, mas type raw niya na kontrabida roles ang kanyang ginagampanan, like sa katatapos niyang series, Hiwagang Kambat, co-starring him with Sunshine Cruz, Grae Fernandez at Edward Barber.

Thus, he had second thoughts na tanggapin ang role bilang isang 40-something good-looking man na na-inlove sa isang ultra-guarded at medyo supladitang dalaga, played by KZ Tandingan.

“But am I glad, na finally napahinuhod din akong gampanan ang role.

“Nakilala ko nang husto si KZ, and I predict, she will make it as a star. Yes, in the mold ni Nora Aunor, who, like KZ, is also a great singer,” ani Epy.

In the case of Epy, no need to tell you that he is the son of the late and respected Comedy King, Dolphy.

Top actor-director Eric Quizon is his elder brother.

Bela tameme pa rin sa lovelife

Monday, October 28, director-producer Paul Soriano will be in Tokyo, Japan for the 32nd Tokyo International Filmfest (TIFF), where his film, Mañanita, will be competing.

Based on a story and script ng kilalang international director and producer din, Lav Diaz, starring sa Mañanita si Bela Padilla.

Bela plays a sniper na umuwi sa kanilang bayan sa Davao para ipaghiganti ang hindi inaasahang pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Asked if Bela, who has no leading man in Mañanita, is his one and only choice for the role, direk said that he has long been a tagahanga ni Bela. And in fact, she is wri­ting a story and script which he will soon produce for his TEN17P, his own film firm.

Mañanita is a co-production between his company and Viva Films.

Now, on the question of why Bela, he believes Bela fitted the role of the leading-lady na inayunan ni Lav at ng Viva Films.

Bela, like direk Paul, has high hopes for Mañanita, which will open in Philippine cinemas on December 4.

Of the year 2019, mukhang lucky year nga ito ni Bela. Up to now, fresh pa sa isipan ng mga nanood ng kanyang last teleserye, Sino Ang May Sala, Mea Culpa with Jodi Sta. Maria, Tony Labrusca at Kit Thompson, among ­others, ang kanyang performance na nagpupumilit na siya ang ina ng isang batang hindi naman niya anak.

And before the year ends, mapapanood siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Miracle in Cell #7, with no less than Aga Muhlach as her leading man.

It’s her first time to work with the actor, Bela said, and she feels not just good but overwhelmed.

Bale ba, nagagalingan daw sa kanya si Aga, not to say direk Nuel Naval, who is at the helm of Miracle in Cell#7.

Where her lovelife is concerned, tameme, kumbaga, si Bela.

Bela was last linked to film producer cum businessman Neil Arce, na balitang ikakasal na in December kay Angel Locsin.

PAUL SORIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with