Atong Ang kumambyo?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 21, 2019 - 11:36pm

“Si Gretchen, kasosyo ko iyan sa casino at saka sa sabong,” sabi ng negosyanteng si Atong Ang. Inamin din niyang ganoon din ang long time partner ni Gretchen, “maski si Tony Boy, magka-sosyo kami niyan sa Okada.”

Ginawa ni Atong ang paglilinaw dahil sa naging statement ng pamangkin ni Gretchen na si Nicole na inagaw diumano siya (Atong) sa kanya (Cole) ng kanyang tiyahin (Gretchen).

Nilinaw din naman ni Atong na “si Claudine, tinulungan ko lang doon sa kaso niya noon doon sa anak ni Mayor Martin Castro.”

Ang tinutukoy ni Atong ay ang naging tsismis noon sa pagitan nina Castro at Claudine na kung saan involved din si Angelica Panganiban. Nagsasama pa sina Claudine at Raymart Santiago noong mga panahong iyon.

Si Nicole naman, inamin ni Atong na “pinag-aral ko iyan, at ang naging trabaho niya sa akin taga-ayos ng schedules ko noon, pero ang talagang nagtrabaho sa akin iyong nanay niya.”

Walang ibang comment si Atong tungkol kay Nicole.

Idinagdag pa ni Atong na “ang asawa ko kaibigang matalik ni Gretchen.”

Sa ibinigay na statement ni Atong, maliwanag na walang basehan ang sinasabing “agawan ng boyfriend” na siyang dahilan kung bakit naging physical ang naganap na pananakit sa burol ng Barretto patriarch na nagsimula lang naman sa isang talakan.

Sinasabing nagkagulo nang sugurin si Gretchen ng pamangking si Nicole.

Magsasampa rin daw ng kaso si Gretchen laban sa isa pang pamangking sinasabing may dalang baril sa burol ng kanyang ama.

Bukod kay Atong, sinasabi ring magbibigay ng kanyang statement ang long time partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco tungkol sa mga lumabas na issues.

Marami rin ang nag-aabang sa sinasabing pasabog ni Marjorie na ilalabas din niya ngayong nailibing na ang kanilang ama.

Janine sinuwerte 

Mukhang sinuwerte si Janine Gutierrez simula nang magbakas­yon sa Paris, kasama ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz. Masaya siya sa kanyang birthday celebration bagama’t sinabi niyang iyon ay isang simpleng dinner date nga lang nilang dalawa sa isang restaurant na kung saan ang nakikitang view ay ang Eiffel Tower.

Pagbalik na pagbalik naman niya sa Pilipinas, nanalo siya ng best actress award. Sabihin mang iyon ay sa isang maliit na festival lamang, at ang indie na kanyang pinagbidahan ay hindi naman naging isang box-office hit at kagaya ng karaniwang indie lang, at least nanalo siyang best actress.

Mukhang suwerte nga siya sa ngayon.

Dating sexy star na may edad na, sa U.S. humahada!

Sinasabing nagkakalat na naman ngayon ng kanyang “milagro” ang isang dating sexy female star sa U.S.

Umalis siya sa Pilipinas nang wala na siyang makuhang assignment. Ang sabi magnenegosyo na lang daw, pero ang usap-usapan nga ay ang kanyang sideline.

Parang wala na sa ayos ito lalo na at may edad na rin naman siya. Mukhang hindi na bagay sa isang may edad ang ma-involve pa sa mga ganoong bagay.

Dapat magpakatino na siya.

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with