Alfres, Yasmine
Alfred at Yasmine suwerte sa isa’t isa
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Alfred Vargas is celebrating his birthday feeling so full and contented. Imagine. Halos lahat ng mga wish niya ay natupad this year, ang magkaroon ng anak na lalaki, nanalo na councilor ng 5th District ng Quezon City ang kanyang kapatid na si PM, ang makagawa ng mga pelikula na gusto niya tulad ng Tagpuan na pinagbibidahan nila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao na kinunan pa ang mga eksena sa Hong Kong at New York.

Lucky talaga si Alfred dahil stable ang career nito as a politician at paminsan-minsan, nahaharap pa rin niya ang kanyang acting career.

Lalo akong naniniwala ngayon sa people chemistry, ‘yung swak sa isa’t isa ang mag-partner, tulungan sila na umangat at suwerte sila together dahil ganitong-ganito ang nangyayari sa union ni Alfred at ng kanyang misis na si Yasmine.

Twisted sila together for better and for worse, forever. Happy birthday Alfred, fly high, aim high, look up, so proud of you!

Concert nina Sharon at Regine hindi tinipid!

Magaganda ang reviews sa concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Lahat ng mga nanood, pare-pareho ang sinasabi, hindi nasa­yang ang pera at oras nila sa Sharon-Regine show. Gandang-ganda sila sa mga production number at sa spiels ng dalawang diva.

Grabe rin daw sa ganda ang gowns na ginamit ng dalawa dahil ibinigay ng mga producer na sina Nancy Yang, Sandra Chavez at Cacai Mitra ang lahat ng alam nila na magpapasaya sa mga tao mula sa pagpili ng mga kanta, maayos na script at production numbers.

Hindi nagtipid ang mga producer ng concert dahil lahat ng kailangan, ibi­nigay nila para sa ikagaganda ng show. Congrats guys, mag-produce uli kayo ng concert na kasing laki ng Sharon at Regine.

Awayan ng Barretto sisters, iba-iba!

Iba-iba na ang lumalabas na balita tungkol sa Barretto clan feud kaya nalilito na ang mga tao.

May mga nagsabi na nahimatay si Mommy Inday Barretto sa second night ng wake para sa kanyang asawa na pumanaw dahil nag-away sina Marjorie at Claudine Barretto.

Pero isang showbiz personality na saksi sa pangyayari ang nagsabi na hindi totoo ang tsismis na nahimatay ang Barretto matriarch at mas kapani-paniwala ang version niya dahil nakita sa Instagram story ni Marjorie na nakaupo si Mommy Inday habang pinapanood ang AVP tungkol sa kanyang asawa. Walang-wala sa hitsura ni Mommy Inday na nahimatay o upset siya sa mga naganap na eksena.

Tsismis na tsismis as in hindi na tuloy credible ang mga balita na nababasa sa mga diyaryo dahil puro hearsay lamang ang isinulat ng ibang mga reporter.

Isa lang ang confirmed, ang pagpapa-confine ni Claudine Barretto sa Bonifacio Global City branch ng St. Luke’s Medical Center dahil nakunan siya ng litrato habang nagpapahinga.

Si Claudine pala at hindi si Mommy Inday ang dinala sa St. Luke’s.

Dahil sa magkakaibang version ng mga kuwento, hindi na alam ng mga tao kung sino ang paniniwalaan dahil iba rin ang version nina Marjorie, Gretchen at ng kanilang pamangkin na si Nicole tungkol sa kaguluhan na nangyari naman sa unang gabi ng burol ng Barretto patriarch.

Kitang-kita naman sa mga patutsadahan ng Barretto girls sa social media ang magkakasalungat na kuwento nila tungkol sa mga nangyari.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with