Claudine dedma pa sa ‘agawan’ nila kay Atong Ang!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Wala pang reaksyon si Claudine Barretto hinggil sa pagkaka-involve niya kay Atong Ang dahil sa naging pahayag ng pamangkin niyang si Nicole Barretto na inagaw ng tita niya ang kanyang boyfriend.

Ang sabi naman ni Gretchen sa kanyang Instagram Story, si Nicole daw ang umagaw kay Atong sa kanyang Tita Claudine.

Sa mga latest posts ni Claudine ay mukhang hindi siya apektado ng mga issues at sa halip ay masaya siya sa nangyaring pagbabati ng kanyang Ate Gretchen at kanilang inang si Inday Barretto.

Nag-post siya ng short video habang magkaakbay pang naglalakad sina Greta at ina nila.

“My Mom & my Ate stronger together. Dad for sure is so Happy. @gretchenbarretto had a great lunch while waiting for Dads ashes.i luv u guys,” caption ni Claudine.

Sa isang video ay pinasalamatan niya rin ang Ate Gretchen niya sa pagi-give-way daw nito ulit.

“Thank you Chino & Gretchen & DADA for being with Mom,J & i.we luv you guys. @gretchenbarretto

Thank you for giving way again. Dad is Proud of you,” caption ni Claudine.

Ewan lang kung magsasalita si Claudine para iklaro ang kanyang pangalan sa mga sitsit na ito.

Marco pumiyok kung tuli ba o hindi

Maraming press ang na-impress sa ex-housemate ng Pinoy Big Brother Lucky 7 na si Marco Gallo dahil diretso niyang sinagot ang tanong ni katotong Leo Bukas kung “cut” or “uncut” ba siya, meaning, circumcised ba siya since may Italian blood nga siya’t sa Italy lumaki because of his Italian father (his mom is Filipina though). Alam naman nating hindi uso sa karamihan sa mga foreigner ang circumcision.

“I don’t think it’s an issue,” simula ni Marco during his interview with the entertainment press at the Viva office before his contract signing with Viva Artists Agency (VAA).

But for the record, aniya, “in a medical way, I am. I am – how do you say it? – tuli. Coz I remember, it was one of my most traumatic events in my life.”

Ikinuwento niyang taong 2008 daw naganap ang circumcision dito sa Pilipinas. He was about 8 yrs. old. Ang sabi raw sa kanya ng Tito niya ay pupunta sila sa dentist kaya pumayag naman agad siya.

Sa ospital sila pumunta at ‘yun na nga, ‘yun pala ay ipapatuli siya.

“I was screaming. It was like 5 of my titos holding me and after the operation was done, I got so angry to the doctor, I was like ‘put everything back how it is in Italya.’ I was screaming, I was like ‘I’m gonna sue you! I’m gonna find you! I’m gonna ruin your life!’ and everything. Coz I thought it was their idea. I didn’t know it was my mom’s,” kwento ni Marco.

For a week ay kinailangan daw niyang magsuot ng palda at sabi niya sa mommy niya, “Mom, why am I a girl now?”

Pero na-realize rin daw niya na ok naman pala ang magpatuli and in fact, he’s proud of it at ganito rin daw ang gagawin niya sa kanyang magiging anak someday.

Samantala, mula sa Star Magic ay lumipat na si Marco sa bakuran ng Viva. Pumirma siya ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) at naging maayos naman daw ang naging pamamaalam niya sa Star Magic.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with