Regine Velasquez-Alcasid
Regine hinahanda na ang 10 sapatos na ipamimigay sa fans
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, noong Thursday nakatsikahan ko si Regine Velasquez-Alcasid sa dressing room niya sa Araneta Coliseum kung saan nagkaroon sila ng run thru para sa Iconic concert nila ni Sharon Cuneta, naikuwento niya sa akin na uuwi pa siya ng bahay dahil, “Kawawa naman kasi si Nate kung hindi kami magkasama mamaya. May pasok pa kasi siya bukas (Friday), kaya bukas na lang ako magtse-check-in sa Novotel (ang official residence nila for their concert).”

At kung nanood kayo ng ASAP Natin ‘To kahapon, naroon pa rin si Regine kahit pagod siya, pero, “Late naman ang call time ko, not the usual 7:00AM dahil hindi naman ako kasama sa opening number. Major concert naman kasi itong ‘Iconic’ kaya pina-late na nila ang call time ko.”

Kinumusta ko naman ang 10 shoes na ibibigay niya sa followers niya sa kanyang YouTube account?

“Pinalinis ko muna, para mas ok naman pagdating sa mga bibigyan,” sabi niya at ang mahal pala ng palinis niya.

Anyway, ngayong tapos na ang Iconic concert nila ni Sharon, medyo nakakapagpahinga na si Regine.

Ngayong November, aalis na naman si Regine kasama ang mister na si Ogie Alcasid para sa ASAP Natin ‘To in Rome dahil sa November 16 na ‘yon.

KC sumuporta rin kay Mega

Nasa second night ng Iconic concert ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion.

Tanging si Frankie Pangilinan lang sa mga anak ng Megastar ang hindi nakapanood ng Iconic dahil nag-aaral nga ito sa New York City.

Next year ay siguradong may US at Canada tour ang Iconic kaya katulad ng ate niyang si KC at mga kapatid na sina Miel at Miguel ay makakapanood na siya ng Iconic concert.

Robin present sa dalawang gabi ng Iconic

Grabe ang support ni Robin Padilla kina Sharon at Regine dahil two nights siya nanood ng Iconic.

Ibang klaseng makisama si Robin sa kanyang mga kaibigan.

Actually, kahit sa mga charitable events ng mga kaibigan, very supportive si Robin.

Ang bongga!

‘Yun na!

REGINE VELASQUEZ-ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with