KC Concepcion
Pagbubuyangyang ng katawan ni KC, aprub kay Gabby
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Hindi problema kay Gabby Concepcion ang madalas na paglabas sa social media ng sexy poses ng anak na si KC Concepcion. Okay lang daw sa kanya ito, besides, nasa tamang edad na si KC, who turned 34 on her birthday April 7 this year, kaya she can decide whatever she wants when it comes to herself.

We should all remember, too, that KC attended college abroad. She finished her college course in a university in Paris.

And let’s not forget as well na kung ilang ulit na rin siyang na-inlove, the last of which was to a Frenchman na eager sana siyang pakasalan.

Meanwhile, KC’s Mom, Sharon Cuneta, foremost ang wish niya is for KC to give her an apo.

Samantala, did we hear it right na kapag natuloy ang balik-tambalan sa pelikula nina Sharon at Gabby, both their talent fees will be given to KC?

Wow, that would be a lot of money.

Actually, according to Gabby, tamang project lang daw ang hinihintay nila ni Sharon para magkatrabaho silang muli.

Ayaw nang bilangin ng dating mag-asawa kung ilang taon na ang nakalipas nang huling nagtambal sila sa pelikula. Ni ayaw na nilang isipin kung ano ang mga nabanggit sa movie.

Either daw Viva Films or Regal Films ang magpu-produce ng movie. ‘Di pa nila mapagkasunduan kung sino ang direktor. But they will need to have a say on it.

Itinanggi ni Gabby na may kinalaman siya kung bakit ‘di natuloy ang pagtatambal sana nila ni Sharon sa isang Star Cinema project.

No need to mention kung ano ito.

Aga at Alice feel na feel ang ginawa sa kama

In fairness, teaser pa lamang ng Miracle In Cell #7 na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 ng Viva Communications, Inc. ay marami na ang naaliw.

The film, a drama/comedy, based sa isang Korean novel, is directed by Nuel Naval and stars together for the first time Aga Muhlach at Bela Padilla. Featured ang child actress na si Xia Vigor.

Aga has another movie scheduled for release soon, Nuuk, mula din sa Viva Films, and co-starring him with Alice Dixson, with whom he has worked with when they were both younger.

Both Aga and Alice are now 50 years old. They both happen to be Leo born. Alice marks her birthday July 28 while Aga is on August 12.

Nuuk, directed by Veronica Velasco, was filmed in its entirety in Nuuk, considered the largest city in Greenland of the Kingdom of Denmark.

Aga, in the movie, plays a mysterious guy, whom fellow Filipinos in Nuuk look up, too. Alice is widow, na patuloy na nagdadalamhati dala ng pagkamatay ng kanyang asawa.

“One will be impressed,” ani direk Velasco, sa love scenes sa pelikula nina Aga at Alice. “Feel na feel ang supposedly namamayani sa kanila, habang they were doing the act, kumbaga.”

“For a time nga,” susog ni direk Velasco. “Aaminin ko, nadala ako ng aking emotion.”

Second movie itong Nuuk this year na ginawa ni Aga abroad. His film, First Love, with Bea Alonzo, directed by Paul Soriano, for the latter’s own film firm, 1017P was shot in its entirety, too, in Oakland, Canada.

Arjo nag-alay ng award kay Maine

Advance Christmas gift from boyfriend Arjo Atayde ang pag-alay kay Maine Mendoza ng kanyang first acting trophy as best supporting actor sa katatapos na Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV for his performance as an autistic sa katatapos lang na seryeng The General’s Daughter.

Special gift din na kinu-consider ni Maine ang magandang results sa box-office ng kasaluku­yang movie niyang showing, ang Isa Pa With Feelings, first team-up niya with Carlo Aquino and produced by Blacksheep Productions and ATP Entertainment.

No need to mention that Maine also won three awards in the katatapos ding 2019 Educ Circle Awards.

Congrats, Maine.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with