Iza Calzado
Iza ‘liberating’ ang pakiramdam pagkatapos aminin ang nangyari sa nanay
Gorgy Rula (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Liberating para kay Iza Calzado na nailahad na rin niya finally at inamin sa publiko ang totoong dahilan nang pagkamatay ng kanyang inang si Mary Anne Ussher.

Sandaling napag-usapan namin ito ng Kapamilya actress sa announcement ng Metro Manila Film Festival 2019 na ginanap sa Club Filipino nung nakaraang Miyerkules, October 16.

Sa interbyung iyun sa kanya ni Sarah Meiers sa She Talks Asia ay doon niya inilahad na suicide ang ikinamatay ng kanyang ina 18 na taon na ang nakaraan.

Bahagi ito ng Mental Health Awareness Day nung araw na iyun, at tingin ni Iza, iyun na ang tamang panahong aminin na niya lahat kung ano ang totoong nangyari.

Sabi ni Iza, matagal na raw niyang gustong aminin ito sa publiko pero naghahanap lang daw siya ng tamang tiyempo at lugar.

“Liberating siya na parang…yung freedom na now I can be a true and authentic advocate for mental health because I cannot be that without talking about it, di ba?

“Kailangan pag-usapan ko muna.

“Perfect timing din siguro in some ways it comes from a place of triumph from my end. Not because I am in this industry, not because of that. I think triumphant in a sense of healing.

“Mas buo na ako ngayon kesa kung pinag-usapan ko ito…imadyinin mo nung bata ako na hindi pa ako pumasok sa industriya. Paano mo pag-uusapan yun?

“Siyempre ang dami nung takot, may shame, may guilt ka pa nun na pinu-proseso mo eh,” pahayag ni Iza.

Ang dami na raw pagkakataon noon na puwede niyang ibahagi pero tingin niya hindi pa tamang panahon.

Dagdag niyang pahayag; “Dati naman, I never lied about it.

“I would always to say, ‘can we not talk about it.

“Meron pa akong one time na sinasabi ko, ‘she forgot to breathe, tapos tumawa lang ako. Laging ganun, kasi siyempre bagung-bago ako and of course…actually, ang la­king respeto ko nun kasi alam ko may media na nakakaalam.

“I think respeto nila kay Daddy nung mga panahon na ‘yun na binigyan nila ng privacy. Wala naman kasing social media dati eh.

“Sa MMK nag-life story ako.

“Alam ko din na hindi din yung proper avenue kasi hindi mo mapuproseso with the audience yun eh.

“Hindi ko pa rin binigay…ayoko na pampataas ng ratings.”

Pero ngayon ay bahagi siya sa She Talks Asia na kung saan napag-usapan itong tungkol sa mental health, at ipinagkatiwala niya sa host na si Sarah Meiers.

“I think what’s more important is that I get to used my Mom’s story and our story to help others. Iyun naman talaga ang pinakaimportante dun,” matamang pahayag ni Iza na bida sa MMFF entry na Culion.     

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with