Samantha natuloy sa Grand International!
Jojo Gabinete (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

SEEN: Natabunan ng Barretto sisters scandal ang Ninja Cops controversy na kinasasangkutan ni resigned PNP chief Oscar Albayalde at ng tunay na elected Vice President issue nina Leni Robredo at Bongbong Marcos. Mas interesado at nakikiliti ang imahinasyon ng mga Pilipino sa mga susunod na kabanata ng bangayan nina Marjorie, Gretchen, Claudine at ng kanilang pamangkin na si Nicole Barretto.

SCENE: Biktima si Samantha Ashley Lo, ang official representative ng Pilipinas sa 2019 Miss Grand International na magaganap sa Caracas, Venezuela sa October 25 dahil siya ang kinukutya sa pagkaka-deport mula sa Paris, France pero walang kinalaman ang Filipino beauty queen sa diumano’y pagkakaroon niya ng fake passport dahil malinaw ang paliwanag niya na “My local organizer, who handled my travel preparations, failed to equip me with the proper transit visa that may have enabled me to complete my earlier trip to this host country.” Makabubuti na maglabas ng official statement ang Bb. Pilipinas Charities Inc. dahil may karapatan sila na ipagtanggol ang kanilang organisasyon.

SEEN: Umaasa ang mga supporter ni Samantha Ashley Lo na may magandang kapalit ang traumatic experience niya sa Paris, France. Sa kauna-unahan na pagkakataon, naranasan ni Samantha ang ma-detain sa airport at ma-deport ng French authorities.

SCENE: Handang-handa na si 2019 Bb. Pilipinas-International Bea Patricia Magtanong sa international beauty pageant na sasalihan niya sa Tokyo, Japan, ang Miss International. Dahil sa naging karanasan ni Samantha Ashley Lo, tiyak na may aral na natutunan si Bea Patricia Magtanong.

SEEN: Paborito ni Jeric Gonzales si Bea Patricia Magtanong kaya umaasa siya na magkakaroon ng pagkakataon na magkakakilala sila nang personal ng reigning Bb. Pilipinas International. Ngayong hapon ang pilot telecast ng Magkaagaw, ang afternoon drama series na biggest break ni Jeric.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni Gina Pareño ang kanyang 70th birthday. Good health at more projects ang mga birthday wish kay Gina ng mga nagmamahal sa kanya. Mapapanood si Gina sa Unforgettable, ang pelikula ni Sarah Geronimo na mapapanood sa cinemas nationwide simula sa Miyerkules, October 23. 

SAMANTHA ASHLEY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with