Nathalie iniintrigang hiwalay na sa mapapangasawa
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

Ang 27-year-old Fil-Australian actress na si Nathalie Hart (Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell) is now a mother of a cute nine-month old baby girl na si Penelope courtesy of her Indian businessman fiancé na si Mayank Sharma.

Very vocal last year si Nathalie tungkol sa kanyang Indian businessman fiancé na si Mayank. Ipinahayag pa niya noon na dalawang beses umano silang ikakasal nito – isa sa India at isa sa Australia pero nagtapos ang 2018 at magtatapos na naman ang 2019 ay wala pang kasalang nagaganap between them.  Hindi rin visible si Mayank sa mga photos na pinu-post ni Nathalie with her baby. Napapaisip tuloy ang marami na baka hiwalay na ang dalawa. 

Gayunpaman, napaka-cute ng baby ni Nathalie na si Penelope.

Ready na rin umano si Nathalie na balikan ang kanyang showbiz career lalupa’t balik na rin sa dati ang kanyang seksing katawan.

Kanta ng The Juans trending sa Spotify

Ang The Juans band na binubuo ng limang young talented members na sina Carl Guevarra (vocals and keyboards), Japs Mendoza (guitar/vocals), RJ Cruz (acoustic guitar/vocals), Chael Adriano (bass/vocals) at Josh Coronel (drums) ay nangunguna ngayon sa Spotify Philippines’ Viral 50 charts sa pamamagitan ng kanilang hit song  na Hindi Tayo Pwede mula sa kanilang 6-track album na pinamagtang Umaga.

Bukod sa pagiging busy sa pagpu-promote ng kanilang hit song and album under Viva Records, abala ngayon ang The Juans sa iba’t ibang gig bilang paghahanda na rin sa kanilang major concert next year.

Albert iisang anak na lang ang single

Matapos maihatid sa kanyang huling hantungan ang movie queen na si Amalia Fuentes, lumipad si Albert Martinez at mga anak na sina Alfonso at Alissa para sa kasal ng huli sa fiancé nitong si Paulus Reyes na ginanap sa Canada.  

Lumipad din ng Canada mula Los Angeles, Ca­lifornia ang panganay na anak ni Albert sa namayapang misis na si Liezel Sumilang-Martinez na si Alyanna kasama ang mister na si Roy Macam at anak na si Adalyn Riley.

Masayang-masaya si Albert dahil dalawa na sa kanyang tatlong anak ang may asawa. Natitira na lamang single ay ang kaisa-isa niyang anak na lalaki na si Alfonso na siyang nag-alaga sa kanyang lola na si Amalia Fuentes hanggang sa paglisan nito. Si Alfonso rin ang mamamahala sa mga properties na iniwan ng kanyang maternal grandma.

Samantala, sobrang in-enjoy ni Albert ang kanyang bakasyon sa Canada dahil bukod sa kumpleto ang kanyang pamilya, naka-bonding niya nang husto ang kanyang kaisa-isang apo (kay Alyanna) na si Adalyn.

Matapos mapanood sa hit primetime TV series na The General’s Daughter, balik ang character ni Albert sa hit afternoon drama series na Kadenang Gindo bilang si Robert Mondragon.

Isa si Albert sa mga veteran actors na hindi nawawalan ng project sa Kapamilya network.

NATHALIE HART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with