Juancho at Arra nagulat kay Alice
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

Nabigla ang lead stars ng Madrasta na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin, nang pagdating nila sa taping ng kanilang GMA Afternoon Prime series ay inabutan nila si Alice Dixson sa set. 

Kilala naman nila si A­lice pero hindi nila alam na makakasama ang maganda at mahusay na actress sa kanilang teleserye. “Nang magsimula po kasi kami wala naman siya sa cast, kaya nagulat po rin kami nang makita namin siya ni Juancho sa set,” nakangi­ting wika ni Arra. “Ang ganda niya, ang sarap kasama sa eksena.”

“Thankful kami na nakasama namin siya sa eksena. Kahit po special participation lamang siya, salamat at nagkaroon kami ng chance na makatrabaho siya,” sabi naman ni Juancho. “

Maikli lamang ang sagot sa amin kung ano ang role na gagampanan ni Alice sa Madrasta.

Sa story kasi ay maba-bankrupt ang beauty clinic ni Dr. Elizabeth Ledesma (Gladys Reyes) at ng anak niyang si Sean (Juancho), kagagawan ng asawa nitong si Katharine (Thea Tolentino).  Gusto nilang ma-win back ang kanilang mga clients.  Sa tulong ng nurse niyang si Audrey (Arra) ay nag-isip sila ng paraan kung paano nila muling ibabangon ang clinic.  Makikita ni Audrey ang sikat na actress na si Angelina Cruz (Alice) at kakausapin niya kung puwedeng maging endorser ng clinic para makabangon ang negosyo nila.

“Maraming salamat po sa chance na ibinigay sa amin ng GMA para makasama si Ms. Alice Dixson,” dagdag pa nina Juancho at Arra.

Ang Madrasta ay napapanood araw-araw pagkatapos ng Prima Donna sa GMA 7.

Aiko at dyowa nagliliwaliw sa NZ

Sinamantala ni Aiko Melendez at boyfriend na si Jay Khonghun ang pamumukadkad ng Cherry Blossoms sa Auckland, New Zealand dahil spring time na roon. Nakakatuwa ang mga netizen doon, itinuturo kay Aiko kung saan ang magagandang lugar na dapat puntahan sa New Zealand.

Iniwan muna ni Aiko ang taping ng afternoon prime drama series nilang Prima Donna pero hindi masisira ang takbo ng story ng triplets na sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo) dahil bago siya umalis, tinapos na niyang i-taping ang mga eksenang kasama siya hanggang sa pagbabalik niya mula sa bakasyon. 

Maine tapos na ang pangangarag

Balik-Eat Bulaga na si Maine Mendoza last Saturday, dahil natapos na rin ang shooting ng Mission Unstapabol: The Don Identity nila ni Bossing Vic Sotto last Saturday morning at nag-photo shoot na rin ang cast para sa movie poster nila ng entry nila sa coming Metro Manila Film Festival sa December.

Comedy ang genre ng Mission Unstapabol... ng APT Entertainment at M-Zet Productions na dinirek ni Mike Tuviera. Kasama rin sa cast sina Jake Cuenca at Arci Muñoz, Jose Manalo, Wally Bayola at marami pang iba.

ALICE DIXSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with