Samantha Lo ‘di na nakarating ng Venezuela para sa Miss Grand Int’l!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

Wala nang pag-asa na makapag-compete ang Philippine representative natin to the Miss Grand International 2019 na si Samantha Lo.

Ayon sa report, na-deport si Lo mula sa bansang France kung saan may connecting flight siya to Caracas, Venezuela at magaganap ang sasalihan niyang pageant.

According to French authorities, pina-deport nila pabalik ng Pilipinas si Lo because she has “no official passport record at the Department of Foreign Affairs.”

Dagdag na report na ang bitbit daw na passport ni Lo noong makarating siya sa Paris ay fake kaya hinold siya for 13 hours sa French immigration for questioning na naging dahilan why she missed her flight to Caracas.

 Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Meñez said in a statement:

“The Department of Foreign Affairs received reports that Binibi­ning Pilipinas-Grand International Samantha Ashley Lo was unable to continue her journey to Caracas due to alleged issues with her passport.

“Based on an ongoing investigation, the DFA confirms that Ms. Lo has no record in the DFA passport database and is continuing the process of ascertaining the facts of the case.”

Hinihintay ng media ang masasabi ng Bb. Pilipinas organizers sa nangyaring ito kay Lo.

Dingdong nagpapagaling sa injury sa Berlin Marathon

Hindi naging hadlang sa taping ng Descendants of the Sun ang natamong knee injury ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes noong mag-participate siya sa BMW Berlin Marathon held in Berlin, Germany last month.

Naikuwento ni Dong ang na-experience niyang knee injury pagkatapos niyang makumpleto ang 42-kilometer run.

“‘Yung tuhod ko medyo na-injure pero right now it’s recovering.

“Ganun naman talaga sa lahat eh. Kung meron kang gustong ma-achieve, meron kang isa-sacrifice. And for me, oras siya and, of course, a little bit of physical push.”

Ayon sa 39-year old Kapuso actor, dumaan muna sila ng kanyang teammates na Team Gotta sa 16-week preparation every morning. Ang maganda raw sa nangyari ay ang nabuong camaraderie nila ng kanyang teammates na binubuo nila Kim Atienza, Tim Yap at Gilbert Remulla.

“More than yung na-gain ko na strength and the ability to finish a marathon, it’s the value of camaraderie that I have built with my friends who I have trained with.

 “Being the youngest of the group I really felt like I was being taken care of and being pampered with some wisdom.

“I can honestly say that I’m looking forward to the next marathon.”

Super model na si Bella Hadid pinakamagandang babae raw sa mundo!

Ang supermodel na si Bella Hadid ang tinatawag ng “Golden Ratio of Beauty.” Dahil daw sa almost perfect beauty nito, siya na ang matatawag na World’s Most Beautiful Woman.

Ayon sa UK plastic surgeon na si Dr. Julain De Silva, gumamit sila ng digital facial mapping para masukat ang bawat ang size at position ng lips, nose, eyes, eyebrow, forehead, brow areas at chin ni Hadid.

The 23-year-old supermodel’s face was found to be a 94.35 percent match to the ratio, a mathematical equation known as Beauty Phi that was devised by the ancient Greeks. “Bella Hadid was the clear winner when all elements of the face were measured for physical perfection. She had the highest overall reading for her chin which, with a score of 99.7 percent, is only 0.3 percent away from being the perfect shape,” sey ni Dr. De Silva.

Pumangalawa raw kay Hadid ay ang mukha ni Beyonce na may ratio na 92.44 percent.

Iba pang aktres na nakasama sa Top 10 beauty list ni Dr. De Silva ay sina Cara Delevingne, Amber Heard, Ariana Grande, Natalie Portman, Scarlett Johansson, Taylor Swift, Kate Moss at Katy Perry.

SAMANTHA LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with