Joshua dinamayan si Julia!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

Happy Sunday, Ateng Salve, and also, to all our readers!

Maging happy na rin kaya ang pamilya Barretto ngayong na-cremate na ang mga labi ng patriarch nila na si Mr. Miguel Barretto?

Pero nakaka-sad nga na lalong nagiging magulo ang mga kuwento at pangyayari.

Patuloy ang gulo nina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie at iba pa nilang kapamilya.

Tsk... tsk... tsk...

Dahil dumalaw si Joshua Garcia sa wake ng lolo ni Julia Barretto, may mga kinilig at nagsabing sana ay magkabalikan ang dalawa.

May zombie movie sila at kapag malapit na ang showing no’n ay tiyak na madalas na naman silang magkakasama sa promotions.

Malay natin, dahil doon, magkabalikan nga sila.

Bongga!

Mother Lily bibigyan ng Tribute

Sa tsikahan namin with Mother Lily Monteverde, napag-usapan ang pre-Valentine dinner show na pinaplano ni Annabelle Rama na kasama siya.

Sabi ko kay Mother Lily, parang tribute ‘yon sa kanya.

Sabi naman niya, “Ayoko ng tribute at buhay pa ako!”

Kinontra ko naman ‘yon at sinabing, “Mas maganda nga, Mother, na habang buhay ka, may tribute na sa ‘yo. At least, mas maa-appreciate mo ‘yon dahil mawi-witness mo pa.”

Kakanta raw si Mother Lily sa pa-dinner show ni Bisaya.

Actually, nagpa-sample pa si Mother Lily at ilang kanta ang binanatan habang nagsasayaw.

Ang bongga talaga ni Mother Lily, huh!

Angeline excited sa pre-Valentine dinner

Sa Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid ay nakatsikahan ko si Angeline Quinto.

Hinanap sa akin ni Angeline si Tita Annabelle.

Kinuha kasi ni Bisaya si Angeline para maging main performer sa pre-Valentine dinner show na ipo-produce.

Excited si Angeline na maging producer niya si Bisaya, huh!

‘Yun na!

 

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with