Claudine binilinan ng ama sa pagbabati nilang magkakapatid
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

Sa last night ng wake ni Miguel Barretto sa Heritage Park, Taguig ay dumalaw ang ilang mga kasamahan sa panulat. Mahigpit nga raw sa naturang wake at bawal ang camera sa loob.

Naroroon naman si Claudine Barretto at nakapanayam nila sa labas dahil lumabas ang aktres habang ini-interview nila si Gladys Reyes na dumalaw din.

Sa video interview ng entertainment editor na si Janice Navida uploaded on YouTube, sinabi ni Claudine na on duty siya talaga sa ama noong nasa hospital pa ito at hanggang sa yumao ito ay naroroon siya.

“Andu’n ako talaga hanggang sa huli. One day lang ako nag-absent sa kanya pero on duty ako talaga. Sabi ko sa mga anak ko, ‘I’m sorry, kailangan ko talaga bantayan ‘yung mga magulang ko.’ So balang araw, alam nila na dapat ganu’n, honor your parents,” pahayag ni Claudine.

Nang umaga raw na yumao ito ay nasabihan pa raw niya ng “Dad, I love you so much.” Kahit hindi makasalita ay sumagot pa raw ito ng “I love you so much.” Pagkatapos nito ay nagbanyo lang daw siya at doon na nag-flat line ang ama.

When asked kung may binilin ba ang kanyang ama bago ito nawala, sagot ni Claudine, “na magbati-bati syempre.”

Dagdag niya, “always, sa lahat ng makausap niya, pag tinanong talaga, ‘yun agad ang sinasabi niya.”

Ang sagot daw niya sa ama ay ‘daddy, in God’s perfect time ‘yan.’

She added, “sabi ko, ‘stop asking God kasi kung hindi rin naman mangyayari. . .” Kaya siguro hindi nangyayari kasi, hindi Niya gusto. Hindi  talaga meant to be. Pero ‘yun lang, nakakalungkot na sa huli talaga ‘yung huling pagsisisi talaga. Na you have to lose somebody sometimes. Parang ganu’n di ba?

“Pero tingnan mo, naayos lahat, so I’m sure na happy siya,” she said.

Ang sinasabi ni Claudine na “naayos” ay ang mommy niya at si Gretchen dahil nga may balitang nagyakapan daw ang mag-ina nang pumunta ang ate niya last Wednesday night.

Natanong din si Claudine kung willing ba siyang maging tulay sa lahat at sagot ng aktres, “ay hindi, hindi pa rin, ayoko. Masyadong malaking ano ‘yun.”

Ayaw pag-usapan ni Claudine ang nangyaring commotion last Wednesday night bilang respeto na lang daw sa daddy niya at nirespeto naman ito ng mga kasamahan sa panulat na kausap niya.

Pagkatapos daw ng lahat ng ito ay magpapahinga raw muna siya at baka magpunta siya sa Japan.

Kahapon ginanap ang cremation ng Barreto patriarch at mukhang naging maayos naman ito base na rin sa mga nakita naming posts mula kay Claudine, Marjorie, Julia and Dani.

MIGUEL BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with