^

Pang Movies

Sen. Bong Go pumiyok sa totoong nangyari sa lamay ng ama nina Gretchen at Marjorie

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sen. Bong Go pumiyok sa totoong nangyari sa lamay ng ama nina Gretchen at Marjorie

Nahingan ng pahayag si Senator at Special Assistant to the President Bong Go sa away ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto sa wake ng kanilang ama nitong nakaraang mga araw.

That time, dumalaw si President Digong Duterte sa burol kasama si Sen. Bong. Sa report ng GMA News Online, ayon sa senador, “Doon ako nakaka­kita ng parang totoong eksena parang shooting ng eksena sa totoong buhay. Kung ano ang nakikita mo sa pelikula.”

Sinabi ni Sen. Bong na sinubukan ni P-Digong na mamagitan sa magkapatid at ayusin ang gulo. Pero bigo ang Pangulo.

Kahapon ang cremation ng Barretto patriarch. Bokya muna sa patutsadahan sina Greta at Marj sa social media. Pero nangako si Marj na ibubulatlat niya ang truth and nothing but the truth.

Handang-handa naman si Gretchen sa pasabog ng sister na ang tawag  niya ay Marjorie Baldivia-Echiverri, huh!

Aktres kumalas sa manager dahil sa datung!

Dedmahan sa isang showbiz event ang isang female celebrity at isang artist manager.

‘Yun pala, kumalas na ang celeb sa manager niyang malaki ang naitulong para magkaroon siya ng career sa showbiz kahit may anak na siya, huh!

Present ang manager sa event dahil nandoon ang isa niyang alaga. Eh nang malaman naming kumalas ang celebrity sa kanya, inintriga namin pero todo tanggi siya dahil hindi naman siya yung tipong benggador!

Ang dinig namin, datung ang rason ng hiwalayan nila sa celeb na lumaki raw ang ulo, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with