Yasmien nagpalaya ng isang inmate
Joe Barrameda (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod sa husay sa pag-arte ng Beautiful Justice star na si Yasmien Kurdi na kamakailan ay tumanggap ng award mula sa PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Television, marami ang humanga sa aktres dahil sa busilak nitong kalooban. Sa katunayan, marami ang pumuri sa recent post ni Yasmien kung saan siya ay bumili ng artwork ng isang inmate na makakatulong daw para magkaroon ito pampiyansa at tuluyang makalaya.

Share pa ng award-winning actress ay masaya at nakakaiyak daw na makapagpalaya siya ng tao at makita nito ang mga naiwan niyang anak sa labas ng kulungan.

Elizabeth trending sa pagiging lola

Kung may Best Lola award daw ay paniguradong si Lola Char na ang winner! Bet na bet kasi ngayon ng netizens ang kwelang character ni Elizabeth Oropesa sa The Gift ni Alden Richards.

Isa si Lola Char sa mga inaabangan ng loyal viewers ng serye dahil sa mga nakakaaliw nitong eksena at linya.

Subaybayan ang masasaya pang biruan nina Sep (Alden) at Lola Char sa The Gift gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice.

Serye nina Ken at Rita palo sa ratings!

Ginalingan din talaga masyado ng mga ka-baes ang kanilang pagtutok at pagsuporta sa primetime series na One of the Baes dahil patuloy ito sa pag-arangkada sa TV ratings! Pinataob kasi ng Kapuso series ang katapat na programa.

Say pa ni Ken Chan, “Ang bawat panalo namin ay inaalay namin sayo Panginoon ko! Maraming salamat po God at sa inyong lahat na nanonood gabi-gabi ng ONE OF THE BAES!”

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with