Solenn ipinagtanggol ang asawa sa pagiging ‘maka-Marcos’
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

Nag-tweet si Solenn Heussaff ng “Don’t believe in everything you read on the net. Life happens on ground. Not only in your tech make believe.”

Sabi ng mga nakabasa sa tweet ni Solenn, baka may kinalaman sa pagti-trending ni Nico Bolzico dahil sa balitang Marcos apologist ang husband ni Solenn at na-bash siya at marami ang nagalit. Kasalanang malaki sa netizens ang pagpo-post ni Nico ng photo ni Sen. Imee Marcos sa kanyang Instagram (IG).

Tama ang comment ng isang netizen na baka magkasama lang sa video sina Sen. Imee at Nico o kaya, may project si Imee at kinuha niya si Nico. Ang daming nagalit kay Nico, sayang daw ang pagsuporta nila rito at kay Solenn.

Sa napanood namin sa IG Story ni Nico, nakasulat ang “Lets see what can we do for Ilocos.” Saka, may picture ni Imee.

Ruru at Bianca nag-out na

Akala ba namin, bawal makitang magkasama sina Ruru Mad­rid at Bianca Umali? Hindi nga rin sila mapangalanan ni Arnold Clavio sa kanyang report, kaya idinaan sa pa-blind item.

Kaya lang, paano mo naman hindi isusulat sina Ruru at Bianca kung nakikita at spotted ng mga tao? Gaya na lamang noong isang araw, spotted sila sa drive thru ng isang Jollibee branch at pumayag pang makunan ng litrato habang nasa loob ng kanilang sasakyan at parehong nakangiti.

Actually, wala namang masama kung mag-out na sina Ruru at Bianca sa kanilang relasyon dahil parang wala na rin naman ang loveteam nila ni Miguel Tanfelix. Nag-leave si Miguel sa Sunday PinaSaya at wala silang project together.

Saka, tanggap na ng karamihan sa BiGuel fans na wala na ang loveteam ng dalawa. Mas maganda pa nga, kung bibigyan ng GMA-7 ng teleserye na magkatambal sina Ruru at Bianca.

Marco Gallo nahihiyang banggitin ang pangalan ni Nadine

Viva artist na rin si Marco Gallo, pumirma siya ng management contract sa Viva Artists Agency noong isang araw. Winelcome si Marco sa Viva nina Mr. Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus.

Nag-expire ang kontrata ni Marco sa ABS-CBN last August, nagpaalam ng maayos na aalis siya sa network at lilipat sa Viva. Masaya naman daw siya sa Kapamilya network at nabibigyan ng projects, pero gusto niya mag-explore at i-try mag-work sa iba.

Nabanggit ni Marco na may gagawin siyang TV series sa Sari-Sari Channel at for sure, gagawa siya ng movie sa Viva Films.

‘Katuwa si Marco dahil nahiya pang banggitin ang pangalan ni Nadine Lustre sa Viva artists na gusto niyang makatrabaho. Nag-sorry pa siya kay James Reid dahil nabanggit nga si Nadine. Inulit pa nito ang pagbanggit sa pangalan ni Nadine na gusto niyang makatrabaho.

Natanong din si Marco sa ex-GF niyang si Juliana Gomez at inaming they decided to break up, mutual ‘yun and they remain friends. Thankful din si Marco dahil hindi nagalit sa kanya ang dad ni Juliana na si Ormoc City Mayor Richard Gomez.

SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with