Fans ayaw maniwala sa P6.8-M na kita nina Maine at Carlo
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

Ayaw maniwala ng fans nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na kumita lamang ng Php 6.8 million ang first day gross ng Isa Pa With Feelings kaya kinukulit nila ngayon ang Blacksheep Productions at APT Entertainment na ilabas ang talagang total gross ng first day sho­wing nila. 

Ayaw nilang maniwala dahil ini-announced nila na first day pa lamang ay showing na sila sa may 265 theaters, bakit daw ganoon lamang ang total gross nila, may kasama pa itong block screenings na hindi bumaba sa 10 block screenings sa iba’t ibang theaters sa first day of showing.

Based din sa mga papuring tinanggap ng movie, alam mong marami talagang nanood, hindi lamang basta fans nina Maine at Carlo.

Pero as of today, October 18, wala pa silang inilalabas na total gross ng second day showing ng Isa Pa With Feelings.

Hello, Love… kalaban ang Parasite sa AACTA!

Tuluy-tuloy pa rin ang tagumpay ng Hello, Love, Goodbye ang first team-up movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Balitang umabot na rin ng 1 billion pesos ang total gross ng movie na dinirek ni Cathy Garcia-Molina for Star Cinema dahil may mga international screenings pa rin sila sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Ngayon naman ay nominated ang kanilang movie for the Best Asian Film Awards sa 2019 Australian Academy of Cinema and Television Arts Awards (AACTA) na described nila as a highly relatable romantic comedy movie. 

Makakalaban nila ang South Korean movie na Parasite na nanalo sa taong ito sa Cannes Film Festival at ang Ne Zha ng China.

Magaganap ang awards night sa December 4, sa Sydney, Australia.

Samantala, parang wala pa ring kapaguran si Alden, dahil kagabi rin, pagkatapos ng Kapuso Mall Show ng The Gift sa Bacolod City kasama ang mga co-star niyang sina Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales at Rochelle Pangilinan, bumalik na rin siya ng Manila, dahil may event siya sa Pandi, Bulacan this Saturday morning bago siya tutuloy sa Eat Bulaga at 11:30 am.

Julie Anne na-excite sa collab nila ni Rico Blanco

Exited na ang fans ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa bago niyang project na kasama si OPM singer Rico Blanco. Ilalabas na nga ang collaboration nila titled Isang Gabi na maghahatid na naman ng hugot sa listeners dahil malapit daw sa puso niya ang kantang ito,  from Regrets at sa iba pang songs na iri-release niya.

“Very personal po kasi sa akin most of the songs, dahil ako po ang sumulat,” sabi ni Julie Anne. 

Ito ay sa kabila ng very busy schedules ni Julie Anne na nagho-host din ng The Clash every Saturdays and Sundays with Rayver Cruz at mainstay ng noontime variety show na Sunday PinaSaya.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with