Marjorie tinawag na sinungaling sina Gretchen at Claudine!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

Finally ay nagsalita na ang isa sa mga Barretto hinggil sa talk of the town ngayon na naganap diumano last Wednesday night sa burol ng haligi ng tahanan na si Miguel Barretto.

Nag-post na si Marjorie kahapon sa kanyang Instagram account ng isang mahabang mensahe at paliwanag hinggil sa kontrobersiya.

Sa isang quote card na ipinost ni Marjorie ay nakasaad na “narcissists try to destroy your life with lies. Because theirs can be destroyed with truth.”

Sa kanyang mahabang caption, malinaw na pinapasinungalingan ni Marjorie ang mga lumabas na hindi naman niya idinetalye kung alin doon since napakaraming kwento na lumabas.

“There are very disturbing news going around right now. All these years, I have kept my peace and I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children. But nothing can get lower than this. Giving false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake is by far the most epic one,” ang simula ni Marjorie.

Ipinahayag ng kapatid nina Gretchen at Claudine na mahal niya ang kanyang pamilya at pabor siya sa reconciliation.

“They have tried so hard over the years to destroy my name, I have nothing to lose anymore at this point. I love my family very much, they are my core. I am all for reconciliation. We were hoping for that all those 16 days that my Father was fighting for his life in the hospital,” patuloy ng nanay ni Julia Barretto.

Pagkatapos nito ay tila patungkol kay Greta ang kanyang mga sumunod na statements at damay din si Claudine sa kanyang pinatamaan.

“It would have been nice if she made her peace in the quiet of my Fathers room. With no cameras. Don’t be fooled by the statements of my sisters, they are leaving out a very important detail of what really caused pain and tension in the wake,” ani Marjorie.

Kasunod nito ay hiniling niyang hayaan muna sila na magluksa sa pagkamatay ng kanilang ama at pagkatapos nito ay magsasalita na raw sila.

“May I request everyone to allow our family to grieve, it’s our last day with our Father today. Please hold your judgement and opinions until he is laid to rest,then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH,” aniya.

Confusing ang sumunod na pahayag ni Marjorie dahil aniya ay powerful daw ang boyfriend ng kanyang sister at hindi raw si Tony Boy Cojuangco na long time live-in partner ni Gretchen ang tinutukoy niya.

“I would like to ask for prayers too. Because when I speak the truth, my life and my children’s life will be put in danger. My sisters boyfriend is powerful in a very bad way(and I don’t mean Tony Boy)And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out.”

Lastly ay nagpasalamat si Marjorie kay Pangulong Rodrigo Duterte at humingi rin ng sorry.

“And to our dear President Duterte, thank you for being there for the family and sharing in our grief. My apologies that your name was dragged into this. You were so kind to me. I will always be grateful,” ang pagtatapos ni Marjorie.

May netizen na nagkomento ng “dapat ngpa kumbaba ka sa ate mo or rumespito ka sa burial ng ung ama xempre pumonta ung ate mo kc last na mkkta nya ung ama nyo.”

Sinagot naman ito ni Marjorie ng “Sana po, sya ang nagpakumbaba sa Tantay (tatay) namin nung nabubuhay pa. 16 days po syang nakaratay sa ospital.”

Sinagot din niya ang isang komento na sana raw ay mag-attend ang Barretto sisters ng The Feast Sunday Mass & Fellowiship sa PICC para mawala ang hatred and pride.

“I am and have always been close to my family. The problem has always been them. Do you follow me on ig? Don’t you see how the rest of us are very united?” sagot ni Marjorie.

May nagkomento namang sana ay nanahimik na lang siya at itigil na ang paglalagay ng dirty linen in public.

“Let’s make this clear. She spoke in the media. Not me. This is the first time I will talk. This comment should be on their page, not mine,” paglilinaw ni Marjorie.       

Kiko first time magkaroon ng rape scene

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sina Kiko Estrada at Meg Imperial sa episode ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado (Oct. 19) titled Alegasyon.

Ayon kay Kiko ay masarap na mahirap ang taping nila sa nasabing prog­rama. Masarap dahil magaan daw katrabaho ang lahat, mula sa direktor na si Tak Gordon Barrios hanggang sa leading lady niyang si Meg.

Mahirap dahil may 2 versions daw ang ilan sa kanilang mga eksena kaya dalawang beses nila itong kinukunan.

Kahit paano ay mas higit daw nilang nakilala ang isa’t isa sa taping although dati na naman silang magkakilala at nagkatrabaho na rin before.

Ayon kay Kiko ay nadiskubre raw niyang mahilig pala sa anime si Meg tulad niya.

“She’s really nice, maalaga,” sabi ni Kiko sa interview with Kapamilya Chat.

Ayon naman kay Meg, funny daw pala si Kiko at mahilig mag-joke.

May rape scene sina Meg at Kiko sa episode na ayon sa aktor ay first rape scene niya. Kasama rin sa Alegasyon episode sina Maricel Morales, Ryan Artienda at Tristan Mendoza.

MIGUEL BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with