^

Pang Movies

Pagkaligwak ni Maricel sa MMFF pinanghihinayangan pa rin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pagkaligwak ni Maricel sa MMFF pinanghihinayangan pa rin!

Nanghihinayang talaga ako na hindi nakasali sa 45th Metro Manila Film Festival ang The Heiress, ang pelikula ni Maricel Soriano.

Maganda sana na makita si Maricel na nagpo-promote ng pelikula ng Regal Entertainment Inc., nakasakay sa karosa at visible sa lahat ng activities ng festival.

Hindi rin ako sanay na walang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival ang Regal Entertainment Inc. dahil mula’t sapul, ang Regal ang frontliner sa annual December film festival.

Sayang dahil maganda at exciting sana ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival with Aga Muhlach, Coco Martin, Vic Sotto, Vice Ganda, Judy Ann Santos at Maricel dahil parang bright na bright na naman ang showbiz kung ang mga top of the line stars ang may pelikula na kalahok.

Hindi bale, baka nga blessing in disguise pa ang mangyari tulad noong panahon  na hindi isinali sa Metro Manila Film Festival ang  mga pelikula nina Vic at Vice Ganda dahil mas malaki ang box office gross sa regular showing.

Magaganda naman ang lahat ng entries na napili kaya baka ibang suwerte naman ang nakalaan sa The Heiress na ipalalabas sa cinemas nationwide sa November 27, 2019.

Sakitan nina Marjorie at Claudine hindi napigil na lumabas

Pinakiusapan pala ang mga saksi na huwag nang ilabas ang kuwento tungkol sa away nina Marjorie at Claudine Barretto sa burol ng kanilang ama sa Heritage Park noong Huwebes nang gabi.

Pero nabigo ang mga nakiusap dahil mabilis na kumalat ang kuwento nang magpa-confine si Claudine sa St.  Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.

Sa dami ng mga nakiramay noong Huwebes, imposible na hindi sila magkuwento tungkol sa mga nakakaloka na eksena na nasaksihan nila.

Habang nasa ospital si Claudine, may dinaluhan naman si Gretchen Barretto na party sa Taguig City na hindi kalayuan sa St. Luke’s Medical Center at sa Heritage Park.

Hindi nakapagpigil si Marjorie na mag-emote kahapon dahil sobra na raw ang mga ginagawa sa kanya ng mga kapatid niya.

Nangako si Marjorie na magsasalita sa tamang panahon kaya nakiusap muna siya sa publiko na hayaan muna na magluksa ang kanyang pamilya dahil sa pagpanaw ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

May nag-post naman sa social media ng picture ng ama ng Barretto sisters noong kabataan nito dahil sinubukan din pala niya na mag-artista.

Poging-pogi si Mr. Barretto sa kanyang old picture na lumabas.

Ang lumitaw na publicity picture ni Mr. Barretto noong bagets pa ito ang proof na siya at hindi si Gretchen ang unang miyembro ng kanilang pamilya na sumabak sa showbiz.

In short, naniniwala ang marami na si Mr. Barretto at hindi si Gretchen ang nagbukas ng showbiz door para sa pamilya niya kaya naging artista rin ang kanyang mga anak na sina Marjorie, Claudine at apo na si Julia Barretto.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with