Demandahan ng magkakapatid na Barretto, handa na!, MMDA handang tanggapin ang protesta ng Regal
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

Inaasahang aabot na sa korte ang salpukan ng magkakapatid na Barretto.

May kanya-kanya na diumano silang bantang demanda sa isa’t isa.

Diumano, may libel, molestation, oral defamation among others.

Kahapon matapos ang sagutan nina Gretchen at Marjorie sa IG, nagpahabol sa IG story si Gretchen ng “some of the most poisonous people come disguised as family.”

Sa second photo ay “will she also admit to all who the father of her last child after denying for many years?”

Mas malala pa nga sa mga napapanood na­ting serye / pelikula o nababasa nating twists sa mga libro ang nangyayari sa Barretto siblings na parang nakalimutan yatang nakahimlay ang kanilang amang si Mr. Miguel Barretto.

Paano nila sasabihin ang ‘rest in peace’ kung may mga nag-aaway sa harap ng nakahimlay niyang katawan?

Anyway, wait natin ang mga pangyayari after the cremation.

Meanwhile, sinabi ng General Ma­nager ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na puwedeng mag-file ng protest ang Regal Entertainment para sa pelikulang The Heiress starring Maricel Soriano and Janella Salvador.

Pero sinabi ni Mother Lily Monteverde na wala siyang planong mag-protesta. Pero gusto niyang malaman kung ano ba talagang nangyari at hindi napili ang kanyang pelikula sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2019.

Bakit nga ba?

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with