Jeric ‘di matigas ang ulo
Joe Barrameda (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Overwhelmed at parang nasa Cloud 9 daw si Jeric Gonzales nang bigyan siya ng parangal bilang Best Single Performance By An Actor ng 33rd PMPC Star Awards para sa mahusay niyang pagganap bilang sex slave sa Saudi episode sa Magpakailanman.

Matagal na pala niyang pinangarap na makaakyat sa entablado para tumanggap ng acting award at finally ay natupad na niya.

Ang taong 2019 ay naging maganda para sa showbiz career ni Jeric. Bukod sa upcoming launch bilang bagong endorser ng isang clothing company ay may bago rin siyang teleserye na kung saan ay leading man siya sa kauna-unahang pagkakataon - sa seryeng Magkaagaw, bagong serye sa afternoon prime ng GMA-7.

Ang alam ko, may gagawin din siyang movie na inaayos na rin ang mga detalye, nagre-recording din siya ng mga bago niyang kanta at inaasahang mari-release ang isa sa mga ito ng GMA Music ngayong October. 

Samantala, busy siya these past few days pero never siyang nagreklamo. Sinusunod lang niya ang kanyang schedules na binibigay ng GMA Artist Center na siyang nangangasiwa ng kanyang career.

Pinayuhan namin siya na alagaan ang kung ano mang kinalalagyan niya ngayon at focus lagi sa trabaho.  Mabait si Jeric at nakikinig sa mga payo ng mga tumutulong sa kanya gaya namin. Never niya kaming binigyan ng sakit ng ulo at pinag-aaralan talaga namin ang mga sinasabi namin sa kanya.

 

JERIC GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with