JM at Ria parehong ‘di ready
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Nasa getting to know each other stage pa rin daw sina Ria Atayde at JM de Guzman. Sa interview sa aktres ni Boy Abunda sa TWBA, hiningan siya ng update ng TV host sa estado nila ni JM na matagal nang nali-link sa kanya. “Friends pa rin talaga with mutual respect and I guess ‘yung alam mong puwede talaga. Alam mo naman,” sagot ng aktres.

Marami ang kinilig sa sinabi ni Ria na nagki-click daw talaga sila ng aktor. ‘Pag kasama raw niya ang aktor ay mas nagiging totoo siya.  Hindi naman daw niya binasted si JM, sadyang hindi lang daw sila ready sa isa’t isa.

Napapanood tuwing Linggo si Ria sa Parasite Island sa ABS-CBN. 

PMPC itinatag para sa mga reporter

Balikan natin ang naganap na Star awards For Television last Sunday. Naku po, parang nawala ang aking sakit at nagkaroon ako ng lakas. Love ko kasi ang Philippine Movie Press Club (PMPC) kung saan isa kami sa nagtatag nito with Ethel Ramos, Ronald Constantino, Boy de Guia, Ernie Pecho, Billy Balbastro at Ricky Lo. Ilan lang sila sa mga nakaisip na magkaroon ng samahan ng mga movie reporter dahil sa isang insidenteng kinasangkutan ng katoto naming si Eddie Liboon.

Parang away ata ang nangyari dahil may isinulat siya tungkol sa isang artista na hindi nito nagustuhan, at para maipagtanggol ang nasabing katoto, nag-suggest ang isa ring pioneer sa showbiz na si Cora.

Yun lang. Kaya ang lakas-lakas ko kahit na may sakit na ako ng almost four months at naka-confine pa rin sa PGH. Sa Child Haus ako nanunuluyan ngayon, si mother Ricky Reyes ang founder nito.

Ang saya-saya ko sa gabi ng Star Award for TV ng PMPC. Halos lahat ng members ay yakap dito at yakap doon, ang ginawa nang makita ako. Akala siguro nila tsugi na ako. But God is Good.

Aakyat sana ako sa stage habang nag-i-speech si Pangulong Sandy ES Mariano, pero sabi ko, huwag na lang at baka madulas pa. Enough na yung nakadalo ako sa gabi ng Star Awards. Pero hindi ko nagustuhan ang isang member doon na binati ko. Hahawakan ko sana ang kamay, pero iwinasiwas niya. Nandidiri ata. God bless you na lang.

Samantala, may dalawang award na napa­nalunan si Mother Ricky sa GMA-7, kaso hindi siya natawagan, kaya hindi siguro nakapunta.

Personal…

To Madam Janette S. Chua and husband sir Renzi, ang mga mababait na taong siyang nagbigay ng payment for one sem sa aking apo na si Jenjen sa NU Calamba, naka-enroll na siya at start na ng schooling. Nakapasa rin siya ng lahat ng requirements sa school. Bale half semester pa ang babayaran. Pray na lang sa soon to come sa next payment. Bahala na si Lord Jesus.

Thanks Madam Daydee, you’re an angel!

Congratulations naman kina Raffy Tima, Vicky Morales, Vice Ganda, Korina Sanhez at lahat ng ABS-CBN winners, also GMA-7. See you next year! God bless us all, thank you!

RIA ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with