Iza nanibago sa pagiging producer
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Sa announcement ng eight official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival, nilinaw ng mga producer ng Culion na special participation lang si John Lloyd Cruz.

Sabi ng isa sa producer na si Gillie Sing, part ng role ni Meryll Soriano si John Lloyd, “he’s not even part of the support. We’re thankful he said yes to be part of the movie.”

Bukod kay Meryll, kasama rin sa female cast sina Jasmine Curtis-Smith at Iza Calzado na bukod sa lead actress ay executive producer din ng movie. “Saling-ket lang ako rito and this is my first time to be an executive producer at ang dami kong natutunan as EP,” sabi ni Iza.

Nabanggit nito na bilang EP, dapat maging ge­nerous at maging open sa added cost dahil binagyo sila sa location. “You should also hire good people at dapat happy sa set because it is always good to work in a happy set.”

Busy naman sa TV si Jasmine, kasama siya sa cast ng Descendants of the Sun ng GMA-7 na kahit matagal-tagal pa ang airing, tuluy-tuloy naman ang taping.

Poet, fictionist, pinaba-ban ang endorsement ni Manny Pacquiao

Nabasa namin ang tweet ng poet, fictionist at screenwriter na si Jerry B. Gracio na “Ibenebenta ang libro ko sa @ShopeePH pero huwag kayong umorder sa kanila, ng kahit ano, hangga’t si Manny Pacquiao ang endorser nila: ang misogynist, homophobic, absenterong senador.”

Sinundan pa ng tweet na “The LGBT community should boycott @ShopeePH. Hindi dapat makatikim ng perang pinaghirapan natin ang kompanya na kinukuhang endorser ang senador na ang tingin sa atin ay mas masahol pa sa hayop.”

Si Senator Manny nga ang bagong endorser ng nasabing online shopping group at maganda pa nga ang introduction sa kanya dahil nakatalikod at pinahulaan pa ng manager nitong si Arnold Vegafria kung sino.

Mag-ex na sina Polo aT Sunshine nag-reunion sa serye

Nagulat kami nang makita si Polo Ravales sa mediacon ng GMA Afternoon Prime na Magkaagaw dahil the last time we saw him, sa ABS-CBN pa at nakuwento na may show siyang gagawin at may mga gagawin pa.

Anyway, he’s back at GMA 7 at ‘yun din ang caption niya sa photo na pinost na kuha sa mediacon, he’s happy and blessed to be working again with GMA 7 kung saan siya nagsimula. Makakasama niya sa Magkaagaw ang ex na si Sunshine Dizon.

Mapapanood na simula October 21 ang Magkaagaw after Eat...Bulaga.

 

Pandesal Month may libreng pa-medical, dental at optical missions

Pinangunahan nina Sen. Cynthia Villar at Que­zon City Mayor Joy Belmonte ang pamimigay ng 70,000 pieces of free pandesal sa residents ng QC na nakisaya sa World Pandesal Day na ginawa sa 80-year-old Kamuning Bakery. Kita sa mga mata ng dalawang public servants ang saya habang namimigay ng pandesal.

Brainchild ni Wilson Lee Flores ang World Pandesal Day na ginawa niyang civil at cultural project. Kahit nasunog ang Kamuning Bakery and Cafe, itinuloy ni Wilson ang yearly celebration ng World Pandesal Day na dinadaluhan ng government officials at mga taga-showbiz.

Bahagi ng month-long celebration ng Pandesal Month ang two free medical, dental and optical missions sa Kamuning Bakery. Ginawa ang unang medical mission noong October 6 at sa Oct. 27, 8am to 12nn ang susunod.

2019 METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with