Jillian parang kapatid na sina Althea at Sofia
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Kinagigiliwang panoorin tuwing hapon ang tatlong Kapuso tween stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo sa Prima Donnas.

Gumaganap silang triplets sa story, na anak ni Wendell Ramos at ni Glaiza de Castro.

Jillian started as a child actress at new young actresses naman sina Althea at Sofia, hindi ba sila na-intimidate kay Jillian nang una silang magkasama-sama sa serye na dinidirek ni Ms. Gina Alajar?

“Sa simula po,” sagot nina Althea at Sofia. “Pero mabait po si Jillian at marami na kami agad natutunan sa kanya, lalo na noong nagkasama-sama na kaming tatlo.”

“May attachment po naman ako agad sa kanilang dalawa, mababait sila at mahuhusay na young actress,” sagot ni Jillian. “Ngayon po para na talaga kaming magkakapatid, enjoy kami sa mga ginagawa namin. At nababasa po namin sa social media ang mga comment na natutuwa sila sa amin.”

May time ba na nakagalitan na sila ni Direk Gina?

“Kapag may gusto po siyang sabihin sa amin, mini-meet niya kaming sabay-sabay. Sinasabi po niya kung ano ang kulang sa amin at itinuturo niya ang dapat naming gawin, pinagbubuti po namin at ayaw naming ma-disappoint sa amin si Direk Gina at marami po talaga siyang naituro na sa amin.”

Pare-pareho raw naman silang na-starstruck kay Aiko Melendez, nahiya sila at hindi sila makatingin nang diretso nang una sila magkasama-sama sa eksena. Pero napakabait daw nito, tulad ni Wendell ay sinabihan sila to love their work at pagbutihin ang kanilang pag-arte.

Napapanood ang Prima Donnas pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

ALTHEA ABLAN JILLIAN WARD SOFIA PABLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with