Horror ni Maricel ipapalabas na agad, fans ni Ate Guy nagluluksa pa!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Chill lang si Mother Lily Monteverde sa hindi pagkakapasok ng Maricel Soriano horror movie na The Heiress sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Present si Mother sa announcement of winners pero nang hindi mapili ng Executive Committee eh quiet lang siya kahit tuwing festival eh kadalasang napipili ang Regal entry.

Marunong namang tumanggap ng resulta si Mother. Every year naman ang MMFF at hindi lang Christmas ang playdates sa mga sinehan.

Kaya naman agad nagdesisyon si Roselle Monteverde na ipalabas ang Maricel starrer sa November 27. Kaya ‘yung waiting na fans ng Diamond Star, ngayon pa lang ay pag-ipunan na ang panonood ng The Heiress.

Kasama sa cast sina Sunshine Cruz, Janella Salvador, McCoy de Leon at ang bagong Darna na si Jane de Leon. Hindi pa ina-announce na siya ang Darna nang mag-shooting siya sa horror film.

Pero hindi nag-iisa ang fans ni Maria na nalungkot dahil nagdadalamhati rin ang fans ni Nora Aunor dahil sawimpalad din ang movie ng Superstar na Isa Pang Bahaghari.

The biggest surprise entry ay ang pelikula ng TBA Studios na Write About Love. Bida rito sina Miles Ocampo, Yeng Constantino at Rocco Nacino. It must be good para pumasa sa panlasa ng MMFF Selection Committee, huh!

Sa festival ding ito, vindicated ang pelikula ni direk Brilliante Mendoza na Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Bakit? Last year’s MMFF, ligwak ang movie ni direk Mendoza na Alpha The Right To Kill. May tsismis na naglabasan na pasok na ito pero may humarang na mapabilang ito sa official entries.

Pinalitan ito ng pelikulang Otlum ng basketbolistang si Ricci Rivero.

At least sa entries ngayon, parang walang kontrobersiyang lumutang, huh!

Nakapasok din ag entry ni Coco Martin kasama sina Jennylyn Mercado at AiAi de las Alas.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with