^

Pang Movies

Pelikula ni Coco sa MMFF parang Probinsyano!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pelikula ni Coco sa MMFF parang  Probinsyano!

Nalimutan ni Coco Martin ang promise nito na isasali niya si Benjie Paras sa kanyang pelikula na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Sa dami kasi ng mga artista na starring sa kanyang filmfest movie, hindi na siguro alam ni Coco kung saan nito ilalagay si Benjie.

Okey lang dahil kung hindi exclusive sa GMA-7 si Benjie, baka isinali rin siya ni Coco sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Grabe talaga ang teleserye ni Coco, hanggang next year pa ang airing at talagang tuluy-tuloy ang pag-ikot ng istorya na hindi nawawalan ng issue na gagamitin.

Parang take off ng Ang Probinsyano ang 3Pol Trobol dahil halos kasama ang lahat ng mga artista sa primetime action drama series ni Coco, sina Rowell Santiago, Mitch Valdes at Edu Manzano.

Cute nga ang reaction ng mga nanood ng trailer dahil ‘Parang ang Probinsyano’ ang mga narinig ko na comment nila at dahil sa success ng TV series puwedeng ’yon din ang maging resulta ng movie sa box-office. Okey lang Coco, basta next project mo, isali mo na si Benjie.

AiAi at Jennylyn pansin na pansin

Sina AiAi delas Alas at Jennylyn Mercado ang mga GMA-7 star na nakita ko sa trailer ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Pansin na pansin ang dalawa sa teaser ng filmfest movie ni Coco dahil silang dalawa lang ang hindi mainstay ng Ang Probinsyano at hindi contract stars ng ABS-CBN.

Nakita ko rin nga pala sa teaser ng 3Pol Trobol si Super Tekla na maligaya dahil nakatrabaho niya si Coco sa isang pelikula.

Kontrabida uli ang role ni Sam Milby dahil siya ang kasuntukan ni Coco sa teaser na ipinakita sa announcement noong Miyerkules ng eight official entries sa December film festival.

8 official entries sa MMFF 2019 matindi ang labanan!

In fairness, magaganda at promising ang election ng mga pelikula na kasali sa filmfest. Sa trailer pa lang alam mo na agad na ang mga pelikula nina Coco Martin, Vice Ganda at Vic Sotto na naman ang magiging patok sa takilya pero mukhang maganda rin ang Mindanao, ang project ni Judy Ann Santos.

Nakakamangha ang trailer ng Mindanao na ginamitan ng animation at malakas ang kutob ko na malaki ang tsansa ni Juday na mag-win ng best actress award sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival sa December 27.

Maganda rin ang teaser ng Miracle in Cell No.7, ang filmfest entry ng Viva Films na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bela Padilla. Touching ang teaser at ang musical scoring na ginamit, ang Here Comes the Sun, ang hit song ng Beatles.

Kapag napanood ni Nadine Lustre ang trailer ng Miracle in Cell No.7, baka lalong madagdagan ang panghihinayang niya dahil nag-back out siya sa pelikula.

Base sa mga trailer na ipinakita sa announcement ng eight official entries, mukhang magla­laban-laban ng pukpukan sa December ang mga nabanggit na pelikula.

Sana nga maging malaking tagumpay ang 45th Metro Manila Film Festival dahil nasunog ang Star City kaya very sad ang Christmas para sa mga bata na walang alternative na pupuntahan kung hindi ang mga sinehan.

Pati nga si Vice Ganda, nagsalita sa It’s Showtime na malungkot siya sa pagkasunog ng Star City.

Anyway, happy ang mga movie producer na may pelikula na kalahok sa December film festival. Ang sabi nga ni MMDA Chair Danny Lim, expected nila ang mas malaking crowd this year.

Na-late nga pala nang dating si Chair Lim sa announcement ng eight official entries sa Club Filipino at ewan ko kung true ang tsismis na na-traffic siya.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with