Aktres na mahilig mag-ingles, kinaiinisan sa kayabangan!
Joe Barrameda (Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Nakakaloka ang chika na nakarating sa amin. Hindi pa rin pala nagbabago ang kayabangan ng isang aktres kuno na noon pa man ay inirereklamo na ng production. Ayon sa isang mapapagkatiwalaang source ay sinasabi raw nitong siya lang daw sa mga artista ng isang network ang marunong mag-ingles. At mga taga-kabilang network lang daw ang nababagay sa kanya. Eh bakit hindi kaya siya lumipat para maiintindihan siya. Kaloka ang babaeng ito.

SHERYL PINAKAKALMA SI JERIC SA MGA MAIINIT NA EKSENA

Sa Magkaagaw ay may mga maseselang eksena sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales. Ayon kay Sheryl ay ramdam na ramdam daw niya ang nerbiyos ni Jeric habang ginagawa nila ang maseselang eksena kaya naman ginagabayan niya until makampante si Jeric. Like a professional actor ay ginagawa lang ni Sheryl ang nararapat.

Thia at Ruru may nakaraan!

Lalong dumarami ang tumututok sa The Gift ni Alden Richards gabi-gabi. Kasi naman ramdam nila kung gaano kahusay si Alden sa bawat eksena bilang isang bulag.

Alam naman ninyo tayong mga Pinoy  madaling maka-appreciate, lalung-lao na sa mga araw-araw na takbo ng buhay ng isang simpleng tao, na kahit anong hirap ay nakikipagsapalaran sa mga kalye ng Maynila para ilako ang kani-kanilang mga kalakal sa murang halaga makatawid lang sa mga pang araw-araw na pangangailangan.

Nakakaaliw nga ang mga karakter na nakapaligid kay Alden bilang si Sep gaya nina Elizabeth Oropesa at Jo Berry plus ang mga kalog na kaibigan ni Alden na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales.

Kasama rin si Thia Thomalla na naloka sa akin nang ibuking ko ang madalas nilang pagde-date ni Ruru Madrid two years ago. Pero naaliw siya sa amin.                      

AKTRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with