Mark naghahanap ng soulmate sa Hawaii
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Nagbabakasyon ngayon sa Hawaii ang singer na si Mark Bautista.

Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang pagsubok niyang mag-surfing na kabahagi pala ng kanyang bucket list.

May isang series of photos din siya kung saan iba’t ibang klaseng native island birds ang nakakapit sa kanya.

Nilagyan pa niya ito ng caption na: “It’s the friends you meet along the way that help us appreciate the journey’ If you think they don’t bite, swipe left...”

Tamang-tama lang daw ang bakasyon na ito ni Mark para makapag-relax at magmuni-muni sa kanyang personal na buhay.

Hindi naman kaila sa lahat na on the lookout si Mark ng kanyang soulmate ever since ng kanyang coming out bilang isang bisexual noong 2018.

Kung sino raw ang magpatibok ng kanyang puso, yun na raw ang masasabi niyang soulmate niya. “Tinitignan ko na kung ano ba ‘yung mas compatible sa akin. Kung ano lang ‘yung nagpapa-shine sa aking puso, nagpapa-spark ‘yun lng, yun. Hindi naman sa hindi pa siya priority. Hindi pa, hindi pa siya dumating. Wow, showbiz na showbiz ‘yun.”

Nico ‘nagdrama’ sa pagbubuntis ni Solenn

Six months pregnant na si Solenn Heussaff at proud na proud ang mister nitong si Nico Bolzico sa lumalaking tiyan ng kanyang misis.

Sa kanyang Instagram, pinost niya ang latest photo ni Solenn na kitang-kita na ang baby bump nito at naglagay siya ng magandang mensahe para sa kanyang misis dahil sa kayang-kaya raw nito ang pagbubuntis.

Mas lalo raw bumilib si Nico sa puwedeng ipakita ng mga kababaihan kapag buntis ang mga ito. “It hasn’t been and easy journey for us and we still have 3 more months to go, but the love for our baby girl and the support of our loved ones have made us overcome all the obstacles! Since I met Solenn, I always felt that she was too good for me; but, since she is pregnant, I don’t only feel she is too good for me, but I also feel like the most useless human being on earth. If the pregnancy was a band playing, Solenn would be the one directing the band and playing all the instruments while I would be one smashing the cymbals every 30 seconds. I thought I knew Solenn but seeing her pregnant changed my whole perception of her as a woman. I didn’t know she could be capable of so much love, but also, I wasn’t aware of her strength. We think we are the stronger gender, but we don’t understand how wrong we are until we see them being pregnant; so we should be 100% there for them to make sure we make ourselves useful if/when they need us, don’t complain, don’t ask questions just do what your woman ask you to do, because you will never be able to do what she is doing for you! Bebu, thank you for everything you do for our family every day! I know we are in this together, but you are Batman and I am Robin. #SosBolz”

May pahabol pa na nakakatawang hashtag si Nico na #IStillThinkThatDressIsTooShort.

Jennifer Aniston 5 million agad ang followers!

Para sa kanyang first official Instagram account, umani agad si Jennifer Aniston ng 5.2 million followers sa ilang oras pa lang niyang pag-open ng IG account noong October 15.

Ang first post ni Jen sa IG kung saan nakasama niya ang Friends cast na sina Courteney Cox, Lisa Kudrow, David Schwimmer, Matt Le-Blanc and Matthew Perry na may caption na “And now we’re Instagram FRIENDS too. HI INSTAGRAM” ay mabilis na nakakuha, as of this w­riting, ng 7.1 million likes and 324,000 comments.

Noon pa hinahanapan si Jen ng IG account pero ngayon lang daw nagkaroon dahil right time raw ito. Pinasok na kasi ni Jen ang pag-produce ng content for Apple TV Plus.

HAWAII
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with