Maine at Carlo puring-puri sa Isa Pa...
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Congratulations kina Maine Mendoza at Carlo Aquino, Direk Prime Cruz at sa BlackSheep Productions at APT Entertainment dahil umaga pa lamang sunud-sunod na ang tweets sa social media na pumupuri sa movie at binabati nila sa mahusay na pagganap ang dalawang lead star. 

Si Maine nga ay nag-apologize kung napupuno raw ang kanilang mga timeline sa tweets ng netizens. Mula ito sa mga unang nakapanood na sa  successful premiere night last October 15, sa Cinema 1 ng SM Megamall.

At pagkatapos ng first screening sa opening day nila kahapon, nag-announce na ang BlackSheep na “it’s time to experience all the feels! Isa Pa With Feelings is now showing in over 220 cinemas nationwide!”

Kahapon din ay nagsimula na ang mga block screenings ng movie sa iba’t ibang cinemas.

Sheryl hindi nailang kay Jeric

Inamin ng actress na si Sheryl Cruz na tinanggihan niya nang unang ini-offer sa kanya ang role ni Veron Santos sa GMA Afternoon Prime na Magkaagaw.“Pero ni-reconsider ko dahil napakaganda ng role at very challenging,” sabi ni Sheryl sa mediacon. “Daring po ang role at papasok ako sa May-December affair na makikipagrelasyon sa isang younger guy na may asawa. First time ko ring makaka-trabaho si Jeric Gonzales. Bago ko naman tuluyang tinanggap ang serye, kinausap ko muna ang 18-year-old daughter ko si Ashley na nag-aaral ngayon sa San Francisco, California, kasama niya ang daddy niya.

“Isinabay ko na rin ito sa pagsasabi ko kay Ashley na kinuha akong maging cover ng mag na may pagka-sexy, my first ever sexy pictorial. Natuwa pa ang anak ko dahil I have the body daw naman, so I should flaunt it.

“Kaya hindi rin naman ako tumanggi sa paggawa ng sexy scenes namin ni Jeric sa story. Alam kong may asawa si Jeric as Jio pero ginawa ko iyon bilang paghihiganti ko kay Laura (Sunshine Dizon), nanay ng asawa niyang si Clarisse (Klea Pineda). 

“Hindi na rin ako nagpaka-ipokrita na tanggapin ang role dahil bilang isang artista, kapag tinanggap mo ang role na ibinigay sa iyo, dapat gampanan mo ito nang tama.  Nagkaroon naman kami ng sensuality workshop ni Jeric, pero level 1 lang ito dahil hindi naman erotic movie ang ginagawa namin, at mapapanood ito sa hapon kaya iyong pwede lamang payagan ng MTRCB ang dapat naming gawin.”

Tawa nang tawa si Sheryl sa kuwento niyang after ng love scene niya sa serye, maraming bading sa set ang willing daw silang mag-double sa kanya sa eksena with Jeric.

Masaya rin si Sheryl na reunion serye nila ni Sunshine ang Magkaagaw dahil una silang nagsama nito sa Bakekang in 2006 at Strawberry Lane in 2014. 

Sa October 21 na ang world premiere ng Magkaagaw na dinidirek ni Gil Tejada, Jr. at mapapanood from Mondays to Saturdays sa GMA-7, after ng Eat Bulaga.

BLACKSHEEP PRODUCTIONS AT APT ENTERTAINMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with