Mayor Joy si Sarah ang gustong paganapin sa lifestory niya!
(Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, napagod talaga ako kahapon dahil 8:30AM pa lang ay nasa Kamuning Bakery na ako para sa 5th World Pandesal Day ni Wilson Lee-Flores.

Ang bongga lang dahil nandoroon si Senator Cynthia Villar at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Kesehodang mga problema sa gobyerno at lipunan ang topic ng tsikahan, nagawang isingit ni Wilson ang very showbiz na tanong sa dalawa.

Type ba nilang isapelikula ang buhay nila?

Si Senator Villar, hindi, pero si Mayor Belmonte, ok lang.

Sabi ko naman kay Mayor Belmonte, tutal ay okey lang naman sa kanya na gawing pelikula ang life story niya, sino naman ang gusto niyang gumanap bilang siya?

“Si Sarah Geronimo!” sagot kaagad niya.

Si Sarah raw kasi ang first celebrity na tumulong kay Mayor Belmonte nang pasukin niya ang mundo ng pelikula.

Mother Lily hindi nag-walk out kahit ‘di napili sa MMFF 2019 ang The Heiress

Si Mother Lily Monteverde naman, twice ko nakasama kahapon.

Una, sa Kamuning Bakery dahil nagsu-support din naman siya sa 5th World Pandesal Day ni Wilson.

Pangalawa ay nang makasama namin siya ni Manay Lolit Solis sa Club Filipino.

Sa Club Filipino, tinawagan ko si Mother Lily para sabihin sa kanya na nandoroon kami ni Manay Lolit.

“O, sige, I will follow, wait for me,” sabi ni Mother Lily.

Pagdating ni Mother Lily sa Club Filipino ay nagulat pa siya na kaya kami nandoroon ay dahil doon ang venue ng announcement ng four official movies pa para sa Metro Manila Film Festival 2019.

Anyway, nag-stay na si Mother Lily para sa announcement kahit may nagsabi sa kanya na hindi pasok ang kanyang The Heiress starring Maricel Soriano and Janella Salvador.

Actually, may isang tumawag nga kay Mother Lily at pinaaalis na siya, pero she opted to stay.

Sabi ni Mother Lily, positive vibe lang daw, sports lang siya, at hindi siya aalis.

Nang matapos nga ang announcement at hindi pumasok ang The Heiress, smile lang si Mother Lily at wala siyang negative and violent reaction.

Walang walk-out, walk-out kay Mother Lily at maayos siyang nagpaalam sa mga kasama niya sa table at sa mga nakasalubong niya palabas ng Club Filipino, huh!

After nga ay tinawagan ko ang anak niyang si Roselle Monteverde at ikinuwentong humanga kay Mother Lily ang mga ka-table nito dahil maluwag na tinanggap ng Regal Entertainment producer ang hindi pagkakapasok ng kanyang pelikula sa MMFF 2019.

Sabi naman ni Manay Lolit, parang MMFF is not the same without Regal, huh!

Well, sana sa MMFF 2020 ay may maging official entry na ang production company ni Mother Lily, huh!

Iza natawa sa ‘bagong pangalan’

After ng MMFF 2019 announcement event, nilapitan ko si Iza Calzado at kinongratulate dahil nakapasok ang pelikula niyang Culion.

Isa sa producers ng Culion si Iza.

Biniro ko ang aktres, “Nagpalit ka na pala ng pangalan?!”

“Ha?” medyo nagulat siya at ipinaalala ko na nang i-announce ang cast ng Culion ay “Aiza” ang nabanggit ni MMDA Chairman Danilo Lim.

“Oo nga, kaya paglapit ko, sabi ko, ‘Sir, Iza po!’ Hahaha!” natatawang sabi ni Iza.

‘Yun na!

MAYOR JOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with