Regal mami-miss sa MMFF
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Hay naku, hindi kumpleto ang 2019 Metro Manila Film Festival dahil walang official entry ang Regal Entertainment Inc.

Ang akala ko pa naman, makakasali sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival ang The Heiress dahil ang ganda ng trailer nito na napanood ko.

Mga bida sa The Heiress sina Maricel Soriano at Janella Salvador at mula ito sa direksyon ni Franco Mortiz.

Sayang talaga dahil hindi binigyan ng chance ang The Heiress. Ka-table ko pa naman kahapon si Mother Lily Monteverde sa announcement ng MMFF official entries na ginanap sa Club Filipino.

May pampalubag-loob ang organizers ng MMFF. May summer film naman daw sa susunod na taon kaya puwedeng sumali rito ang mga producer na hindi pinalad na mapili ang kanilang mga pelikula sa MMFF 2019.

Pelikula ni Nora laglag din

Wondering din ang mga reporter na dumalo sa announcement ng official entries dahil naligwak ang Isa Pang Bahaghari na napakaganda raw ng pagkakagawa, lalo na ang performances nina Phillip Salvador, Nora Aunor at Michael de Mesa.

Natalbugan pa nga nina Rocco Nacino at Miles Ocampo ang tatlo dahil nakalusot sa Magic 8 ang kanilang pelikula na Write About Love.

Para sa mga clueless, ito ang official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival, ang Miracle in Cell #7 ng Viva Communications Inc., Mission Unstapabol: The Don Identity ng APT Entertainment at M-Zet Production, ang Sunod, ang horror movie ng Ten17P, The Mall, The Marrier ng ABS-CBN Productions at Viva Films, ang Min­danao ng CenteStage Productions, ang Write About Love ng TBA Studios, ang 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon ng CCM Film Productions at ang Culion ng iOptions Ventures Corp.

Magsisimula sa December 25 ang 45th Metro Manila Film Festival at matatapos ito sa January 7, 2020. Magaganap sa December 22 ang Annual Parade of Stars sa Taguig City dahil ito ang host city at ang New Frontier Theater ang venue ng Gabi ng Parangal sa December 27, 2019.

Iconic nina Sharon at Regine tatlo ang big time producers!

Tatlong bigtime concert producers pala ang naging dahilan kaya natuloy ang Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa October 18 at October 19 sa Smart Araneta Coliseum.

Sina Nancy Yang, Cacai Mitra at Sandra Chavez ang tatlong dapat pasalamatan kaya natuloy ang pagsasama nina Sharon at Regine sa isang concert.

Hindi talaga matatawaran ang galing ng tatlong lady of substance na sobra sa bait at pagiging trustworthy sa trabaho. Watch na tayo dahil mahirap nang maulit.

‘Huwag gamitin ang depression para SA pagiging addict’

So sad na nakakabasa tayo sa diyaryo na ina na pumatay sa sariling anak. So sad lalupa’t malalaman natin na drug addict pala ang ina ng anak na pinatay niya.

Mahirap talaga na maintindihan na nagagawa ng isang ina na may dalawang anak na maging addict sa illegal drugs.

Huwag sanang gamitin ang depression para i-justify ang pagiging addict at para matakasan ang problema. Adding problem by having another problem? Siguro si God lang ang makakasagot sa tanong kung bakit naging ina pa ang babae na pumatay sa sariling anak.

Bakit kailangan siya na  bigyan ng anak samantalang maraming babae ang karapat-dapat na maging ina?

Again, si God lang talaga ang may alam. Siya lang ang may sagot. Basta sad ang balita. Sad na sad. Pray na lang tayo. At least may nadagdag na angels sa langit.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with