^

Pang Movies

Jeric magpapatikim kina Klea at Sheryl

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jeric magpapatikim kina Klea at Sheryl

Very comfortable na talaga sa isa’t isa ang magka-love team na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, tulad nang sabi nila sa mediacon ng bago nilang GMA Afternoon Prime drama series na Magkaagaw.

Nang i-introduce na ang buong cast na kinabibilangan nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Polo Ravales, Dennis Padilla, Isay Alvarez, Lovely Abella, Patricia tumulak, Joanna Marie Tan, nang magkatabi na sina Klea at Jeric, magka-holding hands na sila at kahit after ng mediacon at ini-interview na ng 24 Oras ang dalawa, magka-holding hands pa rin sila.

Sa Magkaagaw, young husband and wife ang characters nila as Jio and Clarisse respectively, kaya nagkaroon sila ng anak. Pero maaagaw ni Veron Santos (Sheryl) si Jio, nang malaman niyang si Clarisse ay anak ng kanyang mortal enemy na si Laura Santos (Sunshine) at gusto niyang maghiganti. Maraming love scenes at kissing scenes si Jeric kina Klea at Sheryl, kaya pinag-compare sa kanya ang mga eksenang iyon.

“With Klea po, it was a passionate love scene, but with Ms. Sheryl, it was the aggressive ones,” sagot ni Jeric. “It’s good po na nagkaroon kami ng familiarity workshop ni Klea, kaya po naging comfortable kami sa isa’t isa.”

“Napaka-gentleman po ni Jeric sa mga love scenes namin,” say naman ni Klea. “Wala na po kaming personal preparation, pakiramdaman na lamang. Hindi nalilimutan ni Jeric tanungin ako kung saan ako comfortable at kung okey lamang ang ginagawa namin sa eksena. At saka nandoon po naman si Direk Gil Tejada to guide us.”

Second team-up na ito nina Jeric at Klea dahil last year, sila rin ang magka-love team sa Ika-3 Utos pero gumanap lamang silang mag-sweetheart. 

Ang maganda pa sa dalawa, dahil pareho namang single, nang tanungin kung pwede bang maging sila, sagot nila, “why not po.” Wala rin naman kasi silang ka-love team separately.

May special participation si Quezon City Congressman Alfred Vargas sa Magkaagaw,  na sa Monday, October 21 na, ang world premiere after ng Eat Bulaga at mapapanood ito from Mondays to Saturdays.

Ipinagdiinan naman ni Sunshine na never siyang magiging kabit tulad ng character niyang si Laura Santos na naging kabit ni Mario (QC Congressman Alfred Vargas), pero hindi niya nililimitahan ang pagganap niya sa role na ginagampanan niya sa Magkaagaw.

vuukle comment

JERIC GONZALES

KLEA PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with