^

Pang Movies

Marami ang nalungkot…

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, na-sad ako kahapon nang mapabalitang yumao na ang tatay nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto na si Miguel Barretto.

May ilang mga kaibigan ko naman na nag-check sa Instagram accounts nina Gretchen at Marjorie para i-check kung nag-post na ang mga ito tungkol sa kamatayan ng kanilang tatay, pero as of 5:00PM ay wala pa naman.

To the Barretto family, our condolences.

Boyet may series of concert din sa Amerika

Nakita ko kahapon ang premyadong aktor na si Christopher de Leon sa lobby ng isang commercial building sa may Annapolis Street, San Juan.

Bukod sa magaling umarte, maga­ling ding kumanta si Christopher at may four shows nga sila nina Edgar Mortiz at Tirso Cruz III sa Amerika ngayong November.

Dahil sa kabaitan, Martin hindi pinagsasawaan ng fans

Very hectic na naman ang schedule ni Martin Nievera.

Ang dami na naman niyang solo shows abroad.

Heto ang ilan sa mga ‘yon: November 2 Telaviv, Israel, November 23 Miami, Florida, November 24 Pensacola, Florida, December 6 Memphis, Tennessee, December 7 Virginia Beach, Virginia, December 8 Indianapolis.

Kasama pa siya sa ASAP Natin ‘To sa Rome, Italy.

May second leg naman ang Two-gether Again nila ng ex-wife na si Pops Fernandez at ilan sa mga ‘yon ay December 14 Aratani Theater , Los Angeles, California, December 15 Pittsburg, California, December 20  Sycuan, El Cajon California at December 21 M Resort , Las Vegas, Nevada.

May ilan pa raw na inquiries at baka madagdagan pa ang shows nila ni Pops.

Ang bongga, in-demand pa rin si Martin.

Well-loved kasi si Martin dahil mabait sa mga fan, bukod pa sa walang kupas, kaya marami talagang promoters/producers ang kumukuha sa kanya.

Si Martin kasi ‘yung tipo ng singer na kahit napagod sa pagpe-perform ay pagbibigyan pa rin ang lahat ng mga nagpapa-autograph at nagpapa-picture kasama siya.

Alam ni Martin na bukod sa bumili ng tickets ang mga fan na ‘yon ay nag-effort ang mga ito at naglaan ng oras para puntahan ang mga venue ng kanyang shows.

Importante kay Martin ang kanyang mga fan kaya hindi rin naman siya pinagsasawaan!

‘Yun na!

vuukle comment

MIGUEL BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with