Bea Alonzo
Bea buo na ulit, handa nang lumipad
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 15, 2019 - 12:00am

May tula si Bea Alonzo sa kanyang 32nd birthday bukod pa sa kanyang birthday party with friends.

Titled Muli, na ang message ay buong-buo na uli siya at handa na uling lumipad matapos mapunit.

Kasama rin sa mensahe nito mahalin mo ang sarili at kaya na uling humarap sa buhay na minsan ay paulit-tulit na tinitiklop, na ang buhay may itatas at ibaba.

Pero umano’y lahat ay may aral na kapalit ang lahat ng pagkabigo at muling pagtayo.

Wow. Siyempre, madaling magsabi kung para kanino ang nasabing tula.

Isa pa... naka-A din

Graded A din ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Isa Pa With Feelings nina Carlo Aquino and Maine Mendoza na showing na bukas, Wednesday. Kaya inaabangan ng fans kung magiging kasing lakas ito ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Maine Mendoza.

Malayo ang genre ng dalawang pelikula, pero pareho itong naka-A sa CEB.

Bingi ang character ni Carlo kaya naman talagang extra effort ang ginawa niyang acting.

Si Maine ay nailabas ang ‘totoong’ siya na light pero may halong kaunting drama sa kanyang role bilang si Mara na na-fall kay Gali (Carlo).

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with