Jessy Mendiola
Jessy umaming hinintay lang siya ni Luis maging ready sa kasal!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 15, 2019 - 12:00am

Kumalas na si Jessy Mendiola sa panganga­laga ng Star Magic. Pareho na sila ng manager ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Nakausap ng press si Jessy sa launching niya bilang celebrity endorser ng bagong beauty campaign ng SkinCell na Beauty in Progress. Ayon sa SkinCell founder at President Dr. Clarisse V. Cellona, pinili si Jessy dahil sa classic beauty niya na unforgettable na eh timeless pa.

“Jessy is a breath of fresh air The ideal standard of beauty youth and exuberance. As her doctor, I am very honored that she choose SKINCELL on her journey to ageless beauty,” saad ni Dr. Cellona.

Liposonic ang ginawa sa kanyang arms.  “As time goes on, napapansin mo na lumilit na ang braso mo. Medyo masakit siya kasi ultra sound siya,” sabi ng girlfriend ni Luis Manzano.

Walang kinalaman ang bago niyang series sa nabalitang paglipat niya sa Kapuso network.

“Kilala ninyo naman ako, di ba? ‘Pag napapahinga ako medyo napapahinga nang matagal. Medyo okay na ako. Hindi na lang ako babalik.

“Thankful naman ako na i-cast sa role na ‘yon. First time kong gumawa ng character na yon.

“But when it comes to transferring network, wala pa ako doon. I’m exploring my options. Kailangang maging open ka sa ibang bagay,” rason niya.

“Wala akong bad blood sa Star Magic. Nagpaalam ako,” saad niya sa pag-alis.

May influence ba si Luis sa decisions niya sa career?

“He’s very supportive. Siya ang maliit na boses sa likod ko! Ha! Ha! Ha! Pag ramdam niyang hindi okey para sa kanya, sasabihin niya,” dagdag ni Jessy.

Pati pamilya ng boyfriend eh suportado siya sa desisyon niya.

“And if he feels na it’s not good for you, sasabihin niya. Hindi siya ‘yung hahayaan ka lang niya dahil desisyon mo,” sabi niya.

Natanong din kay Jessy ang isyung kasalan with her boyfie.

“Hindi ako napipika. Napi-pressure lang ngayon. Sabi ko kay Luis, ‘Siguro ganon na ang vibe natin. Pakasal na. Kumbaga, ‘yung ibang tao na-excite for us.

“Three years na kami. Napag-uusapan kahit na ang kulay ng gown pero ‘di ko muna sasabihin secret lang,” bulalas ni Jessy.

Pero diin ni Jessy, marrying type si Luis.

“Sa akin kasi, vocal siya eh. Marrying type siya sa akin! I think he’s ready naman. Hinintay lang niya akong maging ready!” deklara ni Jessy.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with