KC Concepcion
Gabby nanibago sa pagbibilad ng katawan ni KC!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 15, 2019 - 12:00am

“Okay naman at marami na rin akong na­kitang ganoon, pero siyempre dahil anak mo, nakakapanibago lang,” iyon lang ang nasabi ni Gabby Concepcion nang tanungin siya tungkol sa lumabas na picture ng anak na si KC Concepcion na halos nakabilad na ang dibdib.

Si Sharon naman ay silent lang sa picture.

Pero kung marami ang nagulat sa picture na halos nakalabas ang kanyang dibdib, mas magugulat siguro ang mga tao kung makikita ang isa pang picture na lumabas din sa social media, na bukod sa manipis na damit, aninag na ang buong katawan ni KC.

Si KC naman ay walang paliwanag kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga pictures na iyon. Mayroon ba siyang commercial endorsement na kailangan ang mga ganoong pictures? Hindi naman siguro masasabing gagawa siya ng isang pelikulang bold. Hindi nga lang siguro natin alam pero tiyak na may dahilan kung bakit nga nagkaroon ng ganyang pictures. Alangan namang sabihing gusto lang niyang magbilad ng katawan talaga.

Kung sa bagay, iba na talaga ang mga kabataan sa ngayon eh. Mas wala silang pakialam sa mga ganyang bagay. Kung noong araw iyan, aba eh napakalaking issue na niyan. Pero si KC naman kasi ay lumaking modern na ang buhay at pareho pang artista ang mga magulang. Iba siyempre ang nakagisnan niyang values.

May nagsasabi ngang hindi na uso ngayon iyong makita lamang ang hita ng babae ay sexy na. Wala na rin iyong may suot pang tube para masabing seksi. Lalong hindi na nangayari ngayon iyong ugali ng matatanda na basta ang isang babae sa tingin nila ay wala sa ayos, talagang kinakalbo para hindi makalabas ng bahay.

Ngayon uso na nga yata talaga ang naglalantad ng katawan.

Buhay ng mga bayani puwedeng gawan ng pelikula ng kahit sino

Ang buhay daw ng isang bayani ay nagiging parang public domain na, sabi ng producer ng pelikula tungkol kay Heneral Miguel Malvar, at ayon daw iyon sa tinatawag na Heritage Law. Hindi na kailangang konsultahin pa ang mga kaanak ng bayani kung gagawin mang pelikula ang buhay noon.

Maaaring totoo nga iyon, pero oras na mapanood nila ang pelikula at mayroon silang nakitang hindi tama, maaaring magdemanda ang kaanak ng bayani at hilinging ipatigil ang pagpapalabas ng pelikula. Pero pag-uusapan pa ba iyan?

Ang tanungin natin ay kung ano ang magiging pagtanggap ng mga tao sa pelikula. Dalawang pelikula lang tungkol sa mga bayani ang kumita talaga, ang Jose Rizal na ginawa ni Marilou Abaya at ang Heneral Luna. Kikita kaya ang pelikula tungkol kay Malvar?

Aktres tinawanan ang pagpili ng boylet sa transwoman!

Tumaas lang daw ang kilay ng female celebrity, na sinundan ng malakas na halakhak nang may magsabi sa kanya ang ipinalit sa kanya ng kanyang “ex” ay isang transgender. “At least marunong siyang mamili”, sabi pa raw noon.

Iyong transgender nga kasi ay sinasabing matalino, may hitsura, at higit sa lahat isang bilyonarya, at wala raw pakialam kahit na ang gusto lang sa kanya ng lalaki ay ang kanyang pera. Ibig sabihin nakahanda ang transgender na ibigay na lahat sa lalaki ang kayamanan niya.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with