Juaquin Domagoso
Anak ni Mayor Isko, 15 years old lang nang magka-GF!
Jun Lalin (Pang-masa) - October 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaliw ako sa kuwento ng anak ni Manila Mayor Isko Moreno, si Juaquin Domagoso.

Madalas na kasing ma-interview ngayon ng entertainment press si Juaquin dahil nag-aartista na nga siya at introducing sa pelikulang Jolly Spirit Squad.

Nang tinanong ko si Juaquin kung may girlfriend na ba siya, wala ang sagot niya dahil ang usapan nila ng kanyang ama ay kapag 18 na siya at saka pa lang siya ia-allow na magka-girlfriend.

Eh, sa October 24 ang birthday ni Juaquin at birthday rin daw ‘yon ni Mayor Isko. Bale 18 na si Juaquin, pero hindi naman daw siya magmamadali na mag-girlfriend na.

Pero nadulas si Juaquin at nabanggit na nagka-girlfriend na siya before na hindi alam ng tatay niya.

Pero dahil bata pa nga siya that time, mga 15, nauwi rin daw ‘yon sa hiwalayan.

JUAQUIN DOMAGOSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with