Mayor Isko Moreno
Mayor Isko ipinasilip ang gagawing restoration sa mga lumang building at tulay!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Si Mayor Isko Moreno sa Grand Café 1919 sa Binondo, Manila noong Saturday night.

Tamang-tama na nandoroon din si CEB (Cine­ma Evaluation Board) Chairperson Christine Dayrit (kasama ang mga kapatid niya) at nakakuwentuhan nila si Mayor Isko.

“We bumped into him (Mayor Isko) at Grand Café 1919 and he discussed how he wants to make Manila great again by restoring old buildings into renewed use.

“He also shared how he is making Jones Bridge like the ones in Paris with the beautiful lamp posts.

“He showed us old photos of old Manila displayed in Grand Café and explained his efforts to rehabilitate them,” kuwento ni Christine.

Actually, maraming mga ordinaryong mamamayan na nanggagaling pa sa iba’t ibang lugar na dumadalaw kay Mayor Isko at nagbibigay ng donasyon sa kanya na iniipon naman nila para sa iba’t ibang proyekto na magpapaganda sa Manila.

Siyanga pala, ang Grand Café 1919 ay isa sa mga restored building sa Manila.

Bale 1919 sinimulan ang pagtatayo ng building na ‘yon na sa tagal ng panahon ay napabayaan, pero ni-restore nga ‘yon ng mga may-ari ng nasabing coffee shop.

Isa sa mga pinupuntahan sa Manila ang nasabing coffee shop dahil ang ganda ng pagkaka-restore sa century-old buil­ding na ‘yon, huh!

Alam mo, Ateng Salve, isasama ko kayo ni Manay Lolit Solis sa coffee shop na ‘yon at tiyak na mamamangha rin kayo.

Lee Seung-Gi mabait at humble kausap

Alam mo, Ateng Salve, alam ko na kung bakit idol mo si Lee Seung-gi.

Sobrang bait pala niya.

Isa ang entertainment editor na si Jojo Panaligan sa mga nakapag-interview kay Lee Seung-gi nang dumating ito sa bansa para sa meet & greet niya sa New Frontier Theater noong Saturday.

Hindi ako fan ng Korean actor, pero tinanong ko si Jojo kung kumusta ang interview niya kay Lee Seung-gi.

“Mabait at saka natatandaan niya kaming mga Pinoy na nag-interview sa kanya sa Korea.

“Hindi siya umaarte na sikat at minsan sa interview na may nagsabing sikat siya ay sinabi niyang hindi naman siya sikat kundi nagtatrabaho lang gaya ng kahit na sino.

“Madali mo rin siyang pakiusapan ‘pag photo opportunity, hindi siya nagmamadaling umupo at sisiguraduhin niya sa expression ng mukha mo kung masaya ka sa kuha mo sa kanya,” sey ni Jojo.

Naku, Ateng Salve, dapat pala ay makatsikahan na ninyo ni Manay Lolit si Lee Seung-hi, huh!

Jeron balik na sa paglalaro matapos ma-injured

As I type this item ay half-time pa lang ng PBA (Philippine Basketball Association) game ng Alaska vs. Rain Or Shine na ginanap sa Araneta Coliseum kahapon.

Nanood ako bilang suporta kay Jeron Teng na co-manage ko with her ate Alyssa Teng (si Boss Danny Espiritu ang namamahala sa kanyang basketball career).

Kahapon lang kasi uli naglaro si Jeron dahil sa hamstring injury.

In fairness, nakailang 3-pts si Jeron, huh!

Sinuportahan nga pala si Jeron kahapon ng pamilya niya, ng tatay na si Alvin Teng, nanay na si Susan at ateng si Alyssa.

At least, ang bongga ng paglalaro uli ni Jeron sa Alaska, huh!

‘Yun na!

MAYOR ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with