Sharon Cuneta
Gabby aminadong siya ang may problema sa reunion movie nila ni Shawie
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Tulad ni Sharon Cuneta, masaya rin si Gabby Concepcion na okay na rin sila ng dating asawa at ka-loveteam.

Matatandaang nagka-usap ang dalawa sa Gabay Guro event 3 weeks ago at nag-duet pa sa stage na labis ding ikinaligaya ng kanilang mga tagahanga.

“Kasi, pareho kaming nasa show na ‘yun,” pagkukuwento ni Gabby nang maka­tsikahan namin last Saturday sa Beautéderm press launch niya kung saan ay isa na siyang official endorser.

“When I found out, sabi ko, ‘well, this is a good opportunity.’ Lahat ng bagay naman kasi, nangyayari for a reason. So, nun’g nakita kong mangyayari ‘yun, sabi ko, ‘maganda ‘to’ because alam kong may magandang pupuntahan ‘to. ‘Yun lang ang nasa isip ko,” patuloy ni Gabby.

At dahil nga okay na sila, ibinalita ng aktor na mukhang matutuloy na talaga ang reunion project nila ni Megastar na noon pa hindi matuloy-tuloy.

Hopefully ay next year na raw ito at sa ngayon ay kailangan nila ng magandang istorya.

“Meron din siya (Sharon) kasing projects na naka-line-up, meron din ako, ‘yung time table niya is puno na, maski rin ‘yung sa akin, so talagang hindi pwede nang gawin this year. So, magiging next year,” pagbabalita ni Gabby.

He added, “ang hinahanap namin... sa totoong lang, kung mayroon ho kayong alam na istorya, padala n’yo lang sa amin, i-instagram n’yo ako, or email n’yo ako – gabbyconcepcion@gmail.com - we really, really need a good story.

“So if anybody has a really good story out there, it has to be out of the box, kakaiba, and we’re willing to look at your story.”

Pinag-uusapan nga rin daw nila na sila na lang ni Sharon ang magpo-produce ng reunion movie nila pero siyempre ay kailangan din nila ng iba pang co-producers.

Na-address nga rin ni Gabby ang balitang siya ang may problema kaya hindi matuluy-tuloy ang reunion movie. Aniya, ever since ay open naman daw siya pero ang problema raw ay walang story.

“Kaya lang naman hindi natuloy noon, sa totoo lang, there’s no story. Maraming story, pero hindi ‘yun ‘yung story na hinahanap ko. Sa dami ng nagawa natin, medyo alam natin kung ano ‘yung feel natin na parang magugustuhan ng tao. Kung gusto mo ‘yung story, malamang, magugustuhan din ng tao because it’s the same feeling. So, wala akong nakikitang ganu’n,” paliwanag ng aktor.

Kung anuman daw ang lumabas noon, ‘yun daw ang bersyon ng iba.

“Kung anuman ‘yung lumabas na publicity, siyempre, that’s their version. Pero ‘yung sa akin, alam ko naman ‘yung totoo. Wala du’n ‘yung feel, wala du’n yung gusto mong makita,” he said.

Samantala, perfect na perfect si Gabo para maging endorser ng Beautéderm dahil through the years ay na-maintain naman niya talaga ang kanyang kaguwapuhan at lalo na nga ngayong ambassador na rin siya ng nasabing skin care company.

“I feel young and I feel great,” sabi ni Gabby. “I am energized to face the world and work. Salamat sa skin set ng Beautéderm, I can look fresh and revitalized any time of the day. I eat right and I work out regularly and of course Beautéderm is now an irreplaceable part of my daily regimen. Ngayon masasabi ko na men can glow too!”

Masayang-masaya rin of course ang Presidente at CEO ng Beautéderm Corporation na si Rhea Anicoche-Tan ngayong opisyal na brand ambassador na si Gabby ng Beautéderm.

“We welcome Gabby with open arms and we are so thrilled to have him onboard,” sabi ni Rhea. “Tenth year na rin namin and we are developing new products that will expand the Beautéderm line. Punong puno ng pagpapasalamat ang aking puso.”

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with