Gabby Concepcion
Gabby umaming nabawasan na ang ‘L’, kayang-kaya na raw iwasan ang tukso!
(Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Hanggang ngayon pala ay ang dami pa ring nahuhumaling sa kakisigan ni Gabby Concepcion na meron pa rin daw nagpaparamdam sa kanya at tinutukso ito.

Pero hindi naman niya itinatangging nagkaka-edad na siya kaya kailangan nga raw niya ang ilang produkto ng Beautéderm na ini-endorse niya.

Sa media launch sa kanya bilang dagdag na brand ambassador ng Beautéderm, natanong namin sa kanya kung nadadala pa ba siya sa tukso ng mga kababaihang nagkakagusto sa kanya?

“Sa social media kasi ‘di ba ang open ng communication ng mga tao? Iyun ang isang malaking pagbabago.

“Sa panahon natin wala pa nun eh.

“Maraming nagpapadala ng litrato, mga sumusulat, very friendly at talagang…hindi ko na lang pinapansin.

“Alam nyo naman ang social media open na open, walang pinipigil. Hindi ko na lang pinapansin,” pahayag ni Gabby.

Kaya na raw niyang iwasan ang tukso dahil iba na raw ang pananaw niya sa buhay. Ibang-iba na raw nung kabataan niya.

“Nung bata ako mga 18, 19 mataas pa ang libido ko eh,” nakangiti niyang pahayag.

Pero ngayon, iba na raw ang focus niya at binabasa na lang daw niya iyung nagmi-message sa kanya sa messenger, pero deadma na lang daw siya.

“Ang concentration ko…dapat seryoso na eh. Iba na ang pananaw ko sa buhay eh. Lahat naman na mga tao dumadaan sa ganung stage eh,” sabi pa niya.

Pero dapat fit na fit pa rin daw siya at hindi raw niya pinababayaan ang katawan niya.

Kaya pa niyang rumampa ng sexy pero nahihiya na raw siya ngayon.

Meron nga raw produkto ng underwear na gusto siyang i-pictorial, pero nahihiya na raw siyang magaganun pa dahil para na raw yan sa mga bata.

“Siyempre, nahiya na ako magpakita ng underwear. Nahihiya lang ako sa mga anak ko, siyempre nagaganun ka pa eh.

“Puwede naman pero sa totoo lang, nahihiya lang ako,” sabi pa ni Gabby.

Tinanong pa nga namin siya na kung gagawa na sila ng pelikula ni Sharon, may mga limitations na ba o okay lang na may mga intimate scenes pa rin sila ng Megastar.

“Puwede, puwede. Hindi lang puwede mag-underwear,” napapangiti niyang sagot sa amin.

Epy ok sa mga ex

Sa presscon naman ng pelikulang The Art of Ligaw na magsu-showing na sa November 13, naibahagi na rin ng lead actor ng pelikulang ito na si Epy Quizon na tapos na rin daw siya sa episode ng buhay niyang puro girls ang pinagkaabalahan niya.

Nabiro nga sa kanya sa presscon ng pelikulang ito na puwede raw magpa-block screening ang mga ex-girlfriend niya.

Sabi naman ni Epy, may kakaibang style ang mga Quizon sa panliligaw. Mapapanood daw iyun sa ginawa niyang The Jake Chronicles ng Krazy Korpo sa Facebook. Doon daw ang style ng Quizon sa panliligaw.

“Pero super bait na ako ngayon,” naka­ngiting sagot ni Epy nang tinanong namin ang style nila nang panliligaw.

“Ako kasi…whether sa connection, nagkaka­tinginan ang isang babae, nararam­daman mo naman…meron parang may mararamdaman ka na pinaparamdam niya. I’ll just play on that.

“Whether sa tingin yun o sa galaw, at pinaparamdam yun ng isang babae,” pahayag ni Epy.

Nilinaw ng aktor na maraming mga babaeng dumaan sa buhay niya, pero maayos naman daw ang hiwalayan at wala raw siyang nakagalit sa mga ex niya.

“Walang may galit sa akin.

“Hindi naman ako bastos,” pakli ng bida ng The Art of Ligaw na sinulat at dinirek ni Jourdan Sebastian.

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with