Wil Dasovich
Wil may pasaring sa artistang vlogger na rin
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Hindi sang-ayon ang YouTube vlogger na si Wil Dasovich sa obserbasyon ng ibang netizens na pinapababa raw ng celebrities na may YT channel ang kalidad ng vlogging.

Sunud-sunod na kasi ang celebrities na may sariling YouTube channel. Ang magkaroon ng personal video blog or vlog ang uso ngayon sa showbiz dahil mas marami silang puwedeng i-share ngayon.

Dahil sa nangyayaring ito ngayon sa YouTube, hindi na raw special ngayon ang magkaroon ng personal vlog. 

Sa naging vlog ng isa sa mga pioneer sa vlogging on YouTube na si Wil na “Are Artistas Ruining Youtube? (REAL TALK)”, sinagot nito ang isang netizen tungkol sa mga celebs na may YT channel.

“Once Artistas becoming YouTubers I felt like it was the merging of that gap between YouTubers and professional entertainers. Celebrities are able to bring in traffic to the platform which makes the promotion of products and services step up a level. Ultimately Artistas coming to YouTube brings more viewers on the platform and in return this brings more advertisers so everyone wins.”

Ginawa pa niyang example si Alex Gonzaga na may 4.57 million subscribers sa YT channel nito at dito rin kumikita si Alex dahil marami ang gustong magpa-endorse sa kanya.

Isa si Wil sa kilalang vlogger sa Pilipinas since 2014. Kinaaliwan ng marami ang YouTube videos niya kunsaan nagsasalita siya ng Tagalog at beki words. 

Nakakuha rin ng maraming viewers ang kanyang pagbiyahe sa iba’t ibang undiscovered tourist spots sa Pilipinas. 

Inabangan na parang teleserye ang pagdiskubre na meron siyang stage 3 colon cancer. 

Mula sa pagpapatingin sa doktor hanggang sa maopnerahan siya at dumaan sa chemotherapy ay pinanood ng marami sa YT channel niya.

Sa YT channel din niya nabuo ang pagmamahalan nila ng fellow vlogger niya at Cosplay Queen na si Alodia Gosiengfiao.

Rapist ni Demi Moore matagal nang patay!

Nabigyan na ng pangalan ang lalaking nang-rape sa Hollywood actress na si Demi Moore noong 15-years old lang ito. Ito ay ang Los Angeles club landlord na si Basil Doumas. Pero kilala siya ni Demi bilang si Val Dumas.

Nakasama ang kuwentong ito ni Demi sa nilabas niyang memoirs na Inside Out. Ayon sa aktres, ang kanyang inang si Virginia King ang nakipag-arrange kay Doumas para maka-sex siya sa halagang $500. Binigyan ni King ng susi sa kanilang bahay si Doumas para mapasok nito si Demi sa kanyang kuwarto.

Ayon sa ilang information, landlord si Doumas, isang Greek, ng sikat na La Cage Aux Folles club. Sumakabilang-buhay na ito noong 1997 sa edad na 68.

Ang nakausap ng media ay ang kaibigan nito na si George Germanides na business partner ni Doumas sa restaurant na Mirabelle.

WIL DASOVICH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with