^

Pang Movies

Sarah waging Favorite Female Artist

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hinirang bilang Favorite Female Artist si Sarah Geronimo sa katatapos lang na 32nd Awit Awards. Nanalo rin ang single ni Sarah na Isa Pang Araw bilang Best Song Written for Movie/TV/Stage Play para sa movie niyangMiss Granny na idinirek ni Joyce Bernal.

Ibinuhos ni Sarah ang lahat ng kanyang damdamin sa nasabing kanta na kung saan ang composer ay si Miguel Mendoza na para raw sa kanyang namayapang ama. 

Ginamit ang kanta sa isang eksena sa Miss Granny na kung saan habang malapit nang sumalang ang bandang binuo nina Sarah at James Reid sa isang contest, saka naman hindi sumipot ang huli. ‘Yun ay dahil naaksidente pala ito.

Mas piniling ituloy ni Sarah ang pagkanta ng Isa Pang Araw habang isinusugod sa ospital si James na kanyang apo sa nasabing pelikula.

Masarap talagang ulit-uliting panoorin ito, sobrang nakakaiyak. Makaka-relate dito ang mga apo na maka-lolo at lola’s boy/girl.

Samantala, puwede nang mapanood ang Miss Granny sa Netflix.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with