^

Pang Movies

Pia at Marlon consistent na on and off ang relasyon

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pia at Marlon consistent na on and off ang relasyon

Hindi na naman nagpo-post ng pictures nila ng boyfriend, kaya marami na naman ang nagdududang hiwalay uli si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Marlon Stockinger.

Tinanong ko ang isang madalas na makakakita kina Pia at Marlon, at wala nga raw siyang “sighting” sa dalawa lately.

“Baka hiwalay nga. Pero, ganoon naman sila, madalas na on and off. Baka off ngayon at mag-on na naman. In love naman sila sa isa’t isa,” sabi ng kausap ko.

Ganoon nga kaya talaga?

Anyway, paborito kong panoorin ang Pia’s Postcards, travel show ni Pia sa Metro Lifestyle Channel sa Skycable.

Type na type ko ‘yung episode nila ni Sue Ramirez sa Korea, pati ‘yung episode na kinunan sa Pahiyas sa Lucban, Quezon.

In fairness, bagay kay Pia ang travel show niya.

Edu at Margarita Fores bagay magtambal

Speaking of Metro Lifestyle Channel shows, type na type ko rin ang The Crawl New York show nina Edu Manzano at Margarita Fores.

Bagay silang mag-partner sa show na ‘yon.

Si Edu naman, no question na ang pagiging host, pero si Margarita, mas kilala bilang chef at owner ng mga restaurant, at bilang partner ng actor/TV host sa show na ‘yon, aba, ang bongga niya!

Alam mo, Ateng Salve, bigla, naging fan ako ng sister ni Veana Fores. Gustung-gusto ko sila ni Edu sa show na ‘yon!

I hope (and pray too) na simula lang ‘yung The Crawl New York sa pagiging mag-partner nila, huh!

Sana magkaroon pa sila ng another show.

Biniro ko nga si Tita Veana (kilalang manager ng ilang stars) na dapat i-manage na rin niya ang kanyang kapatid at gawin na ni Margarita na full-time career ang pagiging isang TV host!

Sina Margarita at Tita Veana nga pala ay mula sa pamilyang nagmamay-ari ng Ara­neta City (yes, ‘yan na ang tawag ngayon sa Araneta Center).

Fans na nega hindi dapat tularan!

Alam mo, Ateng Salve, hindi ako naniniwala na isa kang tunay na fan kung ang celebrity na sinasabi mo na sobra mong ina-idolize ay ginagawan mo ng away sa mga katrabaho niya!

Na imbes na masaya ka na may nakakasama siyang ibang celebrity sa trabaho na nagiging malapit sa idol mo ay hindi ka natutuwa at gumagawa ka pa ng paraan para mag-away sila, huh!

Kairita ang mga fan na ganoon ang ugali, na parang hindi masaya na masaya ang idol nila at bina-bash ang ibang mga celebrity at pilit na ginagawan ng intriga sa sinasabi nilang idol nila, ‘noh?!

Mas maganda kung hahanga ka na lang sa idol mo bilang fan niya at hindi ‘yung “isasabong” mo ang idol mo sa iba dahil bina-bash mo ang ibang mga celebrity at pinalalabas mo na ginagawa mo ‘yon dahil sa pagtatanggol sa idolo mo!

Right, Ateng Salve?!

‘Yun na!

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with