Joem ihahanda muna ang pamilya bago mag-asawa
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

33 years old na pala si Joem Bascon, habang ang girlfriend naman niyang vlogger na si Crisha Uy ay 30. They have been in a relationship for eight years. Six years naman na silang nagli-live in, kaya sa tingin ni Joem ay oras na para magpakasal sila. Pero hindi pa raw ngayong taon mangyayari, baka raw next year ay possible na.

By then kasi ay nai-prepare na raw ni Joem ang kanyang pamilya to live on their own at huwag nang umasa sa kanya.

Careerwise, Joem is grateful he is doing well. Right now, busy siya sa seryeng Starla, co-starring him with Judy Ann Santos, Raymart Santiago, Joel Torre at ang mga batang bida na sina Jana Agoncillo at Enzo Pelojero, among others.

Leading man din si Joem kay Lovi Poe para sa pelikulang ire-release soon ng Regal Entertainment.

Jana mas gustong mag-aral sa public school

Of Jana, she is only 11 years old, but looks older. She admits, mature rin siya for her age.

Televiewers will always remember Jana as the child actress in the series Dream Dad  bilang Ningning. Pinagbidahan din ito nina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales.

As she now earns for herself, Jana can well afford na mag-aral sa isang private school, pero mas pinili niyang mag-aral sa public school.

Her mom admits na malaking tulong siya sa kanilang pamilya. Dito rin daw ibinibigay ni Jana ang kanyang mga kinikita.

Did we hear it right na si Jana talaga ang tinutukoy na Starla sa serye ni Juday na Starla?

Dream din pala niya na maging astronaut sa future.

Enzo ginagaya si Daniel

Of Enzo naman, his dream daw ay maging isang dentist.

No wonder, at eight years old, maganda ang kanyang dentures. ‘Di raw nga kasi nakakalimutan ni Enzo ang mag-toothbrush, lalo’t pagkatapos niyang kumain.

Tulad ni Jana, nakalabas na sa ilang series si Enzo, kabilang na riyan ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Pinaplano palang noon ang seryeng Starla nang namataan siya sa Mini-Me ng It’s Showtime bilang contestant.

Ginagaya niya ang aktor na si Daniel Padilla dahil favorite niya raw ito, na siya namang ikinatuwa ni Karla Estrada nang mag-guest sila ni Jana sa Magandang Buhay with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Magandang Buhay is one well-followed morning show ng ABS-CBN, which has Jasmin I. Pallera as its Business Unit Head (BUH).

Isa sa kanilang masipag na talent coordinator ay si Queen Balen Romero.

Elisse career muna

Hindi pala tuwirang binanggit ni Jameson Blake kay Elisse Joson na gusto siya nitong ma­ging girlfriend, kahit pa madalas silang magkasama, pag-amin ng huli. Sa halip daw ay sa mommy niya na isang doktora ito nagsabi.

Only child lang si Elisse ng kanyang ina. Nag-aaral pa siya noon nang i-suggest nito na bakit ‘di niya subukan ang modeling, not knowing that her daughter was a potential showbiz star, too.

Malaking factor ang pagiging housemate niya sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother sa kung anuman ang meron siya ngayon, and at the same time, sa sama ng loob na paminsan-minsang nararanasan niya sa kasalukuyan.

But as her mom tells her, ganyan talaga ang buhay. 

Samantala, inamin ni Elisse na may kirot pa rin siyang nararamdaman sa tuwing naaalala niya ang namagitan sa kanila ni McCoy de Leon. Their relationship started well, pero ganun nga raw pala talaga ang buhay.

Right now, she doesn’t think she’s ready for a new relationship, not even with Jameson na possible maging ideal boyfriend.

Elisse said she’d rather focus sa kanyang showbiz career, which appears to be doing well. Bida siya, together with Jessy Men­diola sa seryeng Sandugo na pinagbibidahan din nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

May two current endorsements din siya ngayon which are both doing well in their respective market. One is an initimate wash for women, and the other one, the Cathy Doll Ready 2 White Products, which according to her, is the reason why she is sporting a brighter and glowing skin.

“try the product, it’s very affordable,” susog pa ni Elisse.

Proud naman siya sa dalawa niyang kasamahan na sina Aljur at Ejay. Si Aljur as husband of Kylie Padilla at tatay ng anak nilang si Alas at ng isa pa nilang baby boy na malapit nang lumabas ay sobrang proud daw sa kanyang pamilya.

Of Ejay naman, wala raw itong bukambibig kung hindi ang bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya bago siya lumagay sa tahimik.

JOEM BASCON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with