^

Pang Movies

Tatay ng GF ni James nagpaliwanag, Kathryn at Nadine pinag-aaway?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Tatay ng GF ni James nagpaliwanag, Kathryn at Nadine pinag-aaway?!

Pilit na pinag-aaway sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

May ibang fans daw ng dalawa ang gustong mag-away sila.

Pero tunay na mga fan nga ba ang mga ‘yon? Dahil kung iniidolo talaga nila sina Kathryn at Nadine, bakit pinagsasabong nila ang dalawa?

Naalala ko tuloy ang dalawang magkahawig na aktres na parehong produkto ng isang artista search show.

Pinagsasabong din sila noon ng mga fan daw nila.

Ang alam ko, parang affected sila, kaya hindi naging close noong una.

Pero ngayon naman yata, ok na ang dalawa.

Sana sina Kathryn at Nadine, huwag magpaapekto sa ginagawa ng mga fan daw nila, huh!

Lovi pinili si Joem

Ang Segundo ang first single sa Viva Records ni Lovi Poe.

Released na ito at puwede nang mai-download.

Happy si Lovi sa Segundo.

Maraming favorable comment sa Segundo at marami na rin ang nakapag-download. Bukod sa promotions nito, busy rin si Lovi ngayon sa shooting ng The Annulment movie ng Regal Entertainment, Inc. at sa Monday ay last shooting day na niya.

Si Joem Bascon ang leading man ng aktres sa nasabing pelikula.

Si Lovi raw mismo ang pumili kay Joem dahil bago nag-start ang project ay pinamili siya ni Roselle Monteverde ng leading man.

Sabi ng manager ni Lovi na si Leo Dominguez, “Pang-apat na pagsasama na nina Lovi at Joem sa The Annulment dahil nagsama na sila sa Walang Hanggamg Paalam, Aswang at Lihis. Nagsama sila dati sa Whitehouse, pero hindi sila magkaeksena. As partners naman, pangatlo nila ngayon itong The Annulment.”

Ang sipag-sipag magtrabaho ngayon ni Lovi.

Kahapon ay nasa isang ospital naman siya sa Sta. Ana para sa Operation Smile ng beauty clinic ni Dra. Vicki Belo.

Actually, mahilig sa charity si Lovi dahil nakasama na nga ako sa pagkakawanggawa niya sa isang children foundation.

Sharon at Regine, pumapayat ‘pag nagko-concert

Sa Iconic presscon, napansin ko na mas pumayat pa si Sharon Cuneta.

Yes nga raw, sabi ng Megastar.

Sabi naman ni Regine Velasquez-Alcasid, napansin niya na sa loob lang ng isang araw kapag nagko-concert siya ay pumapayat siya ng five pounds, kaya sabi ko naman sa kanila, ang bongga at sa October 18 & 19 ay 10 pounds kaagad ang ipapayat nila!

Anyway, tickets na lang sa October 19 Araneta Coliseum concert nila ang available, pero paubos na rin daw ‘yon.

‘Yun na!

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with