^

Pang Movies

Pagkasunog ng Star City hindi pa tanggap ng mga bata

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pagkasunog ng Star City hindi pa tanggap ng mga bata

Matatagalan pa siguro bago matanggap ng mga bata ang biglang pagkawala ng Star City dahil sa sunog.

Kahit sabihin na hindi puwedeng ilaban sa Disneyland ang Star City, ito ang enchanted playground na nakatatak sa isip ng mga batang Pilipino.

Ang Star City ang lugar na nararamdaman nila ang magic at parang transported sila sa ibang mundo.

Di ba sabi mo Salve nalungkot ka nang dumaan ka at hindi mo na nakita ang maliwanag na ilaw sa lugar kung nasaan ang Star City na ngayon ay nababalutan na ng dilim?

Siguro, hindi lang lungkot ang nadarama ng mga bata, shattered din sila dahil ang Star City ang playground na ultimate happiness nila.

Matatagalan pa bago muling maitayo ang Star City na nagbibigay ng ligaya sa mga bata dahil kingdom ang turing nila sa amusement park.

‘Omertà’ nabasag sa senate hearing

Fascinating ang senate hearing tungkol sa PNP, drugs at parang war of the generals. Grabe ang mga revelation na parang surreal at hindi natin aakalain na nangyayari.

Akala ko ba may code o oath of Omertà ang mga military na ginagamit nila na dahilan kaya hindi lumalabas o nalalaman ng publiko ang mga nangyayari sa loob.

Parang na-break ang pledge na ‘yan dahil sa mga napapanood natin na mga pangyayari sa hearing.

Grabe, hindi kapani-paniwala pero may trust pa rin ako sa mga pulis, military at sa men in uniform.

Alisin lang ang bulok, marami pa rin ang good eggs na matitira.    

Bayanihan dancers malapit sa puso ng mga Atienza

Dalawang okasyon ang hindi ko mapupuntahan dahil gabi ang imbitasyon, ang event ni Congressman Lito Atienza sa October 26 sa Palacio de Manila at ang 12th anniversary ng House of Obagi sa October 22 sa Shangri-LaThe Fort.

Sinabi ni Eric Cham, ang trusted aide ni Congressman Atienza na recital ng mga dancer na scholar ng Atienza family ang event sa Palacio de Manila.

Malapit sa puso ni Congressman Atienza at ng kanyang misis na si Beng ang mga dancer dahil former members sila ng Bayanihan Dancers. Isang gabi ng mga katutubong sayaw ang ipapakita ng mga dancer na scholar ng mga Atienza.

Lalong tumatagal ang House of Obagi dahil sa pamamahala ni Dr. Paolo Santos na tutok na tutok sa management ng beauty clinic na itinuturing ngayon na top of the line.

Parami nang parami ang branches ng House of Obagi at word of mouth ang endorsement ng satisfied clients.

Before we know it, byword na ang name na Dr. Paolo Santos ng lahat na mga gusto na maging beautiful. Congrats!

Epy dinirek si KZ

Beauty day ko kahapon kaya hindi ako nakapunta sa presscon ng The Art of Ligaw, ang romantic comedy movie na pinagbibidahan nina Epy Quizon at KZ Tandingan.

Sayang dahil type ko pa naman si Epy na isa sa mga mababait na anak ni Mang Dolphy. Marami naman ang nagulat dahil si KZ ang kapareha ni Epy sa The Art of Ligaw. Mas kilala kasi si KZ bilang singer pero ayon kay Epy, revelation ang petite singer sa The Art of Ligaw dahil sa kanyang pag-arte na pang-seasoned actress ang calibre.

vuukle comment

STAR CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with