Bongga siya… Kim dinala ang buong pamilya sa abroad!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Bongga si Kim Chiu, sinama niya ang buong pamilya sa abroad para magbakasyon.

Yup, biyaheng Hong Kong nga sila sa kabila nga ng sinasabing kaguluhan sa nasabing bansa. Siniguro naman ng mga leader ng HK na kontrolado nila ang situation kaya walang takot ang mga bumibiyahe.

“Family is the compass that guides us. They are the inspiration to reach great heights and our comfort when we occasionally falter.? Thank you Lord God for the gift of family. having siblings are like having instant best friends/childhood friends!!!. first time to bring the entire family abroad with the kids, remembering the days when we are just dreaming for this day to come finally it happened!!we miss you @alfa1charlie #Family #MyEverything #Chiurista,” post ni Kimmy sa kanyang IG account.

Isa rin si Kim sa sobrang maka-pamilya kaya naman talagang umaapaw ang natatanggap niyang blessings.

Last movie ng LizQuen nasa Cinema One na

Ipapalabas na sa Cinema One ngayong Linggo ang pelikulang Alone/Together nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Mula sa panulat at direksyon ni Antoinette Jadaone, ang pelikula ay tungkol sa pag-iibigan ng UP arts student na si Tin Lazaro (Liza) at UST pre-med student na si Raf Toledo (Enrique) at ang pagkasira ng kanilang relasyon dahil sa biglaang pakikipaghiwalay ni Tin kay Raf dahil sa hindi malamang dahilan.

Makalipas ang limang taon, magkikita ulit ang dalawa na kapwa ibang-iba na sa kung sino sila noon. Iiwanan ba nila ang lahat para subukan uling mahalin ang isa’t isa?

Humakot ng magagandang papuri mula sa mga film critic ang Alone/Together, lalo na para sa paraan ng pagkukuwento ni Direk Tonette at magaling na pagganap ng LizQuen. 

Ang Alone/Together ang ikaapat na pelikulang pinagsamahan ng LizQuen na tumabo rin ng P370 million sa takilya.

Ito rin ang huling pelikula ng LizQuen.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with