Maine Mendoza
Maine sinali si Arjo sa movie nila ni Carlo
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Hindi napigilan si Maine Mendoza nang magsalita sa interviews niya kaugnay ng rumored boyfriend na si Arjo Atayde.

Imbyerna siyempre ang fans ni Carlo Aquino dahil sila ni Maine ang magkapareha sa Isa Pa With Feelings.

Hindi kagaya nu’ng nagpareha sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Hello Love Gooodbye, na napigilan si Daniel Padilla na pumiktyur habang nagpu-promote ang pelikula.

Pinayagan naman si Daniel na bisitahin si Kath sa shooting sa Hong Kong pero hindi rin siya nagtagal doon.

Kaya sa promotions ng pelikula, nakasentro ito sa kuwento at sa tandem nina Kath at Alden nang walang ibang taong nababanggit, huh!

So paano ‘yan? Sana hindi malito ang manonood kung sino ang talagang kapareha ni Meng, huh!

Edward nahigaan ang ebs ng aso para sa pictorial ni Maymay sa Norway!

Humiga sa dumi ng aso ang Kapamilya actor na si Edward Barbers para lang makuhanan ang ka-loveteam na si Maymay Entrata nang ma-capture ang northern light sa Tromso. Nasa Norway ang dalawa matapos ang isang Kapamilya show sa Oslo, Norway.

Sa tweet ng starcinema.abs-cbn.com, nag-share sina Maymay at Edward ng litrato nang ma-witness ang sikat na attraction.

Caption ni Edward sa Instagram niya, “So that’s what magic is.”

Ayon pa sa report, humihingi ng credit si Edward kay Maymay matapos siyang kuhanan kasama ang northern light.

“Credit naman. Humiga ako sa ta* ng aso para sa shot na ‘yan,” komento ni Edward.

Eh nang makita sila ng fans nila, pinagbigyan naman sila ng picture nina Maymay at Edward.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with