Carlo Aquino
Carlo hanggang kaibigan lang ang tingin kay Angelica!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Pero mahal naman

Sa interview ni Boy Abunda kay Carlo Aquino na inere sa Tonight With Boy Abunda, diretsahang tinanong ng TV host ang aktor kung pinaasa lang ba niya si Angelica Panganiban.

“Siguro po,” ang diretso ring sagot ni Carlo.

Follow up na tanong ni Kuya Boy, “what went wrong?”

Sagot ni Carlo, “hindi ko lang siguro kaya, Tito Boy na... oo mahal ko siya, pero parang mas gusto ko nang mas friends kami. Natatakot lang kasi talaga akong masaktan siya ulit.”

Inamin din ni Carlo sa naturang panayam na girlfriend niya si Trina Candaza at umamin naman agad ang aktor ng “opo.”

“Kasi na-meet ko si Betrina bago nag-start ‘yung movie, tapos biglang hindi kami nagkita ng ilang buwan. Tapos after nung movie nag-reconnect kami,” paliwanag ni Carlo.

Na-address din sa interview ang tungkol sa naging pahayag ni Angelica na hindi na nage-exist sa buhay niya si Carlo. Tinanong ni Kuya Boy ang aktor kung sa tingin ba niya ay fair lang na sabihin ito ni Angge at “opo” rin ang sagot ng leading man ni Maine Mendoza sa Isa Pa With Feelings.

“Kung nasaktan ko siya, ganu’n, karapatan niya ‘yon. Karapatan niyang pagdaanan, karapatan niyang maramdaman ‘yon. At hindi ko dapat pigilan ‘yon. Kaya nung sinabi niya ‘yon tapos, nakarating sa akin, sabi ko ‘okay lang naman,’” pahayag ni Carlo.

YouTube account ni Alex sinubukang nakawin!

Unti-unti nang nababawi ni Alex Gonzaga ang kanyang YouTube account na tinangka raw i-hack ng unknown person/people few days ago. Kahapon ay nag-post siya sa kanyang Instagram account na nagbalik na raw ang kanyang profile picture pero tinatangka pa rin daw ng hacker na pasukin ang kanyang ads.

“My profile pic is back!!!! We’re still trying to manage my youtube account because the hacker is now trying to get into my ads. Thank you to everyone who kept messaging me and asking if my account is ok. I appreciate it!” ang post ni Alex.

Nag-live feed din si Alex para sabihing inaayos na ng Google ang problema ng YT.

“May mga nagta-try din na kunin ang adsense ko pero wala naman silang nakuha so, nonsense,” sabi ni Alex.

Hindi kataka-takang maging target ng hackers ang YouTube account ni Alex na may 4.5M followers at ang bawat vids niya ay milyun-milyon ang views. Sa ads payment pa lang ay jackpot na ang magnanakaw.

Kaya dapat mag-ingat talaga ang malalaking YouTube account lalo na ang mga artista dahil pati ito ay ninanakaw na ngayon.

CARLO AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with